Chapter 16

31 3 46
                                    

Truths

"Truth or dare!" Paulit ulit nilang sinasabi kanina pa.

"T-truth!" Lakas loob kong sinabi.

"Nand'to ba ang tinitibok ng puso mo?" Tanong ni Cza.

Napaghandaan ko na 'to. Huminga akong ng malalim. "Oo." Sabi ko.

"Sino?!" Sabay ng tanong nina Cza at Faith.

"No follow up questions." Pangangatwiran ko.

Halatang nadismayado silang dalawa dahil sa sagot ko. Bumalik ang titig ko sa bottle. "Sinusumpa ko 'pag ikaw tumapat pa sa akin babasagin kita!" Sabi ko sa isip ko.

Inikot kong muli ang bottle. Ngayon tumapat ito kay Cza. Napangisi ako sa kan'ya. Nahahalata kong maiinis s'ya sa itatanong ko.

"Anong mayro'n sa inyo ni Tyler?" Tanong ko habang nakangisi.

Halatang nagulat naman s'ya sa tanong ko.

"Dare." Tinaas n'ya kang kan'yang kanang kilay. "Dare ang pipiliin ko." Napangisi naman s'ya.

Napairap nalang ako. "Isulat mo sa papel kung anong mayro'n sa inyo ni Tyler." Nasa akin pa rin ang huling halakhak.

Halatang nairita s'ya sa dare ko. Kumuha s'ya ng ballpen at papel at isinulat n'ya kung anong mayro'n sa kanila ni Tyler.

Iniabot n'ya sa akin ang naka fold na papel. Bestfriends ang nakalagay.

"Ang sakit naman Tyler! Bestfriends lang daw, oh!" Pang-aasar ko.

Nawala ang kan'yang ngiti. Napalitan ito ng seryoso at madilim ng expression ng kan'yang mukha. Halatang hindi n'ya nagustuhan ang sinulat ni Cza. Ano bang mayro'n sa kanila?!

Pinaikot na ni Cza ang bote. Tumapat ito kay Faith. Napatingin kaming dalawa ni Cza kay Faith at may ngisi sa aming mukha.

"Truth or dare?" May nakakalokong ngiti si Cza.

"Truth! Truth! Truth!" Pang i-ing gaganyo ko sa kan'ya.

"Dare!" Lakas loob na sinabi ni Faith.

"I dare you to sit on the lap of Tyler." Sabi ko na may ngisi.

Biglang nawala ang ngisi ni Cza. Napatingin naman sa akin si Faith na parang alam ang gusto kong mangyari. Bestfriends lang pala, ha!

Agad namang tumayo si Faith at umupo sa lap ni Tyler. Wala namang emosyon ang mukha ni Tyler at si Cza naman ay halatang naiinis.

"Hoy! Ba't gan'yan na mukha mo?!" Pagmamaang maangan ko.

"Wala! Humanda ka sa akin!" Pagbabanta n'ya.

Pinaikot naman na ni Faith ang bottle. Tumapat naman ito kay Tyler.

Sa halip na si Faith ang magtatanong ako nalang ang binigyan n'ya ng pagkakataon.

"Truth or dare?" Seryoso kong tanong.

"Truth!" Lakas din ng loob kung sumagot.

Between Two LiesWhere stories live. Discover now