Chapter 12

23 3 18
                                    

Song


Hindi ko kinakaya na magkasama kaming dalawa ngayon. Pagkatapos ng nangyari kanina ay pumasok agad ako sa aking kwarto at natulog.

1:16 P.M. na ngayon hindi ko alam na nakatulog pala akong ng matagal. Hindi pa ako nag a-almusal at lunch. Hindi rin naman ako nagugutom.

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto. "Nand'to na kaya sila Cza?" Tanong ko sa aking sarili.

Agad akong bumangon dahil sa naisip ko. Binuksan ko ang pinto. Tumambad sa akin ang naka sandong si Adryan.

Napalaki ang aking mga mata dahil sa kan'yang braso. His broad and firm muscles is just too  astonishing.

"A-ah... Bakit?" Tanong ko sa kan'ya. Hindi ako makatingin ng diretso dahil baka bumilis na naman tibok ng aking puso.

"Hindi raw makakarating ngayon sina Cza." Sabi n'ya.

"Ano?!" Napatingin na ako sa kan'yang mga mata.

Pucha! Anong nangyari ba sa mga 'yon?! Bwesit! Kapag talaga nakita ko sila!

"May bagyo raw kasi." Aniya. Seryoso ang kan'yang mukha pero ayaw ko pa ring maniwala.

"Akala ko ba walang bagyo?" Tanong kong naguguluhan. Naalala ko pa nanood ako ng weather news at sinabing maaliwalas ang lahat.

"Kasi nga low pressure palang ta's ngayon naging tropical storm na." Aniya. Wala akong naiintindihan sa sinabi n'ya. Bobo na kung bobo!

Wala na akong maisagot pa. "Ayaw mo ba akong makasama?" Bigla n'yang tanong sa akin.

Nabigla ako sa kan'yang tanong. Hindi ako makapag-isip. Sinabayan pa ng malakas na pintig ng aking puso.

"Hindi!" Sabi ko na nakakunot ang aking noo. "Oo?! Ay, basta!" Dugtong ko.

Hindi ko nga kasi alam. Gusto na ayaw ko s'yang makasama.

"Kumain ka na ba?" May ngiti sa kan'yang mga labi.

Hindi pa naman ako nagugutom pero pagkatapos n'ya akong tanungin bigla akong nakaramdam ng gutom. Bwesit na tiyan!

"Hindi pa." Nagbigay ako ng plastic na ngiti.

"Kumain ka na, may adobo ro'n sa kusina." Aniya.

Napalaki ang aking mga mata dahil adobo ang ulam. Ang aking paboritong ulam na nakaka limang sandok akong rice.

"Weh, 'di nga?!" Hindi makapaniwala kong sabi sa kan'ya. Maraming lalaking hindi alam magluto. Bawas points.

Tumango nalang s'ya. Mabilis akong pumunta sa kusina at tinignan ang kaserolang nando'n. Napangiti ako dahil totoo ngang adobo ang ulam. Adobong manok at napakaraming chicken wings.

Sumandok ako ng kanin. Medyo nahiya pa ako dahil naparami ang kuha ko. Pero si Adryan lang naman kaya dinamihan ko na.

"Ang dami naman?!" Gulat n'yang tanong sa akin. Hindi 'to makapaniwala na ganito karami ang kinuha kong kanin. "Kala ko ba hindi ka gutom?!" Dugtong n'ya.

Between Two LiesWhere stories live. Discover now