Showdown
Agad akong sinalubong ni Ace sa gate. Nakakunot ang kan'yang noo at halatang dismayado.
"Bakit ngayon ka lang?" Aniya na may malamig na tono.
Wala akong maisip na idadahilan kaya sinabi ko ang totoo.
"N-nanood pa kasi k-kami ng K-drama kagabi, eh. S-sorry." Sabay peace sign.
Si Mama kasi ginising at sinama pa akong manood ng Start Up. 'Yan tuloy 'di ako nakatulog ng maaga.
"Bakit ka nakaputi?!" Aniya sabay tingin sa suot ko.
Pakshet! Green dapat suot ko! Lintek naman, oh!
Bigla nalang n'ya akong hinila papunta sa CR kung saan malapit na gaganapin ang miting de avance.
Nagulat ako dahil akmang tatanggalin n'ya ang kanyang damit.
"H-HOY! Anong gagawin mo?!" Please! 'Wag sa harapan ko! Nakakapanghina ng tuhod!
"Ano pa?! Edi magpapalitan tayo ng damit!" Aniya na ikinalaki ng mata ko.
"A-ANO?!" Naguguluhan ako sa sinabi niya. Magpapalitan kami ng damit?! Seryoso ba 'to?!
Tiningnan ko s'ya sa mata. Seryoso nga 'to.
Agad n'yang tinanggal ang kan'yang damit. Hindi agad ako nakakilos. Parang nag slow motion ang lahat nu'ng pagkatanggal n'ya ng kan'yang damit.
Napanganga ako dahil sa nakikita ko.
"Pwede ka ng magpalit." Aniya. Sabay abot ng kanyang damit.
Napalunok nalang ako dahil sa nakita ko kani-kanina lang. Totoo ba ang nakita ko?!
"M-may abs si A-ace?!" Dali dali akong pumasok sa isang cubicle at do'n nagpalit.
Napapapikit ako sa tuwing nakikita ko ang kan'yang katawan.
"Gago! Erase dapat 'yun sa utak! 'Wag malandi!" Sabi ko sa sarili ko.
Pero pilit pa ring lumalabas sa isip ko ang nakita ko. Napabuntong hininga nalang ako. Lumabas na ako sa sa cubicle.
Nakita ko si Ace na naka wide open arms. Parang gusto n'ya akong salubungin ng yakap. Nakita ko ulit ang kanyang magandang katawan.
Napapikit ako ng mabilis at iniabot sa kan'ya ang t-shirt ko. Ang bango ng t-shirt n'ya. Amoy downy, sarap singhut-singhotin.
"Magbihis ka na rin." Sabi ko habang nakapikit ang aking mga mata. Baka sabihin n'yang tyansing ako 'pag hindi ko 'yon ginawa. Baka tuksohin n'ya pa akong nag e-enjoy ako sa nakikita ko.
Lumabas na kami sa CR. Napakaraming tao ang manonood ngayon. Makikita sa mga kulay kung sino ang sinusuportahan nila.
"Du'n ako uupo." Sabi ni Ace at tinuro ang kan'yang uupuan. Nakita ko na rin sina Faith at Cza na magkatabi.
Pumunta naman na ako sa back stage para makapag ready na.
"5 minutes nalang, mag s-start na!" Sabi ng host sa amin sa back stage.
Kabang-kaba ako sa oras na 'to. Feeling ko mame-mental block ako mamaya.
"Lets all welcome our candidates for the President." Sabi ng host. " From the Surprise Partylist. Miss, Chloe Baltazar!" Aniya.
Malakas na hiyawan at palakpakan ang narinig sa buong lugar. Marami siyang supporters pero mas marami ang naka blue at green.
"Next candidate is from Partidong Alyansa ng mga Kalalakihan. Mister, Adryan Salazar!" Pagpapakilala ng host kay boy sungit.
YOU ARE READING
Between Two Lies
RandomA girl that has imaginative mind stuck between the reality, truth, and lies. This is a story about finding and analyzing the truth between the two lies can she find out the reality? Can her mind identify the truth? Can she open her eyes in her situa...