Winner
"B-bakit ako umiiyak?" Naguguluhan na ako. Panaginip lang naman 'yun. Wala na ngang ibang sinabi yung mga boses, eh!
Tinignan ko ang clock, it's already 3:33 in the morning. Nagugutom ako dahil hindi ako nag dinner.
Naghugas muna ako ng mukha at nagmumog. Inayos ko din ang buhok kong magulo.
Pumunta ako sa kusina ng may naririnig akong boses. Naghahagihikan, parang kilala ko ang boses na 'yun ah!
Lumapit ako sa boses na naririnig ko. May kausap s'ya sa cellphone.
"Sa'n tayo magkikita bukas?" Boses ng lalaki. Tinignan ko kung sino 'yon.
Tama ako! Sabi ko na nga ba, eh! Napangisi naman ako.
"Sunduin kita mga 8 d'yan sa inyo. Ok lang ba 'yun?" Aniya. San naman ba 'to pupunta?!
"Ok, bye." Nakangiti s'ya at ibinaba ang cellphone. Akmang aalis na s'ya pero bigla akong lumabas sa pinagtataguan ko.
"PUCHA!" Sigaw ni Kuya. Hayop na 'to! Natakot talaga sa akin?!
"A-anong ginagawa mo d-d'to?" Kinakabahan n'yang tanong. Obvious ba?!
"Tatae malamang?!" Inis kong sinabi. Minsan talaga ang bobo ng Kuya ko.
"Bakit ka nandito sa kusina kung tatae ka?!" Hindi ba alam ng Kuya ko ang sarcasm?!
Umirap nalang ako sa kan'ya. Nakakawalang gana mag-explain sa Kuya kong bobo!
"Sino 'yung kausap mo?" Ngumisi ako. Kala mo makakatakas ka sa akin.
Nakita ko ang kaba sa mukha ni Kuya.
"Yung teacher ko kasi. May pinapasubmit sa akin." Aniya. Ako pa talaga niloko mo?!
"Walang kotse kaya nagpapasundo?" Natatawa kong sabi. "Saang school ba 'yan at hindi n'yo alam kung saan kayo magkikita?" Tanong ko ulit. "Walang po at opo? Wala ka ng galang ngayon kuya sa teacher mo?" Huli kong tanong.Wala ka ng takas! Bistado ka na!
Napabuntong hininga naman s'ya na para bang wala ng kawala sa mga tanong ko.
"Spill the tea, DALI!" Excited akong pag-usapan lovelife ni Kuya. Cute.
"Si Trixie kasi birthday n'ya bukas gusto ko sanang mag date kami." Aniya. Sanaol, may girlfriend!
Ang effort naman ni Kuya. Ta's sa huli 'di pala sila. Sad.
"Ah, ok." Sabi ko. Nakangiti naman ako sa kanya, ngiting pang-asar. "Goodluck! Sabihin ko na ba 'to kay Papa?!" Pananakot ko sa kan'ya.
Binatukan naman n'ya ako. Ang sakit, ha! Umalis naman na s'ya pagkatapos ng usapan namin.
~*~*~*~*
Nanuod nalang ako ng k-drama at inabutan na ako ng umaga. Hindi na rin kasi ako makatulog kaya 'yun nalang ginawa ko.
Maaga akong pumasok dahil botohan na ngayon at makikita kung sino ang panalo within this day.
Umaasa ako na ako ang mananalo. Ginagawa ko naman ang lahat para manalo.
Nakaboto na kami nila Faith at Cza. Tanghali na ngayon naghihintay nalang kami na matapos ang bilangan.
"Ay, oo pala! May promise ka sa amin!" Nakangiting sabi ni Cza. Shet! Oo nga pala!
"Sige tanong na! You still have 20 minutes para itanong lahat." Sabi ko. Wala naman na akong magagawa dahil nand'to na ako sa posisyon namin.
Pero bago sila makapagtanong may lumapit ulit sa amin.
YOU ARE READING
Between Two Lies
RandomA girl that has imaginative mind stuck between the reality, truth, and lies. This is a story about finding and analyzing the truth between the two lies can she find out the reality? Can her mind identify the truth? Can she open her eyes in her situa...