Chapter 11

23 3 12
                                    

Spectacular


Totoo bang nangyayari 'to?! Bakit ganito ang mga kaibigan ko?! Binubugaw ba nila ako?!

Tumingin ako kay Adryan na walang kaalam-alam sa nangyayari. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Baka akalain n'ya pa-special treatment ako. Sinundo na nga ihahatid pa sa Batanes.

"Ah... Pwede ka ng mauna kung sa'n ka man papunta." Nakangiti kong sabi.

Naguluhan naman s'ya sa sinabi ko. Nakunot ang noo n'ya.

"Pa'no ka?" Tanong n'ya sa akin na agad nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Hihintayin ko nalang sina Cza." Sabi ko. 'Pag magtatanong pa 'to hindi ko na alam ipapalusot ko!

After a few seconds, may tumunog sa bulsa ng pantalon n'ya. Kinuha n'ya ang kan'yang phone.

"Mauna na raw tayo sabi ni Tyler." Aniya na may nakakalokong ngiti.

Agad na lumaki ang mata ko. "Ano?!" Naguguluhan ako. "D'ba may pupuntahan ka pa?!" Tanong ko sa kan'ya.

"Oo, sa Batanes din." Nakangiti n'yang sagot.

Wth?! Batanes?! Du'n din ba s'ya magbabakasyon?! Sa'n na ba kasi sila Cza?! Bwesit naman!

"Hindi ba natin sila hihintayin?!" Tanong ko sa kan'ya. Hindi ko na alam gagawin ko. Gusto ko nalang lumangoy mula Manila hanggang Batanes!

"Stuck pa rin sila sa traffic, baka hindi sila makaabot sa flight natin. 'Tsaka para makapagpa-reserve na rin tayo ng hotel." Aniya.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Wala akong maisip dahil sa lakas ng kabog ng puso ko.

Wala na akong nagawa sayang naman kung ipapa-rebook pa namin yung ticket.

"Nand'yan na ba sa'yo ang ticket mo?" Tanong n'ya sa akin. Hindi ako makatingin sa kan'yang mga mata.

Tumango nalang ako at kinuha ang bagahe. Akmang kukunin ko na 'to pero nauna n'yang nakuha ang maleta.

"Ako nalang, nakakahiya na." I smiled shyly.

Hindi ko akalain na ganito kabait si Adryan. Akala ko masungit na cold. Mahirap pakisamahan pero parang mali ata ako.

"No, ako na. I insist." Aniya. Nakangiti s'ya at titig na titig sa mata ko. Hindi ko masabayan ang kan'yang titig kaya napatingin ako sa baba.

"Halika na." Rinig kong sabi n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya.

Hindi ako makagalaw at parang wala ako sa katawan ko. Hindi ko makontrol.

Hindi ko akalain na hahawakan n'ya ang aking palapulsuhan. Napasunod nalang ako sa kan'ya. Parang wala ako sa aking sarili. Nakatingin ako sa kan'yang kamay na nakahawak sa aking wrist. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako ng sobra.

Magkatabi kami ng upuan sa eroplano. Hindi aabot ng dalawang oras ang aming flight. 1 hour and 15 minutes to be exact. Kaya hindi na ako natulog at pinag masdan ang madilim na kalangitan.

"Hindi ka ba matutulog?" Tanong n'ya na nagpabalik sa aking realidad.

Tinignan ko s'ya. Nakasuot na s'ya ngayon ng black bull cap and black aviator glass. Nahihiya man akong pero, na gwa-gwapuhan ako sa kan'ya. Bagay sa kan'ya ang black and white outfit.

Between Two LiesWhere stories live. Discover now