It's You
"Chloe Baltazar?" Kailangan ko s'yang makilala para mapaghandaan ko ang laban. "Adryan Salazar?" Isa din 'tong lalaki na 'to. Sino ba 'to?!
Hindi ko man lang kilala ang mga kalaban ko. Pa'no ko sila malalaban kung hindi ko sila kilala?!
Hindi ko napansin na nasa tapat na pala ako ng classroom namin. Umupo na ako at malapit ng magsimula ang klase. As usual katabi ko pa rin 'tong bwesit na lalaki, ilang araw na kaming magkatabi pero hindi ko pa rin alam pangalang n'ya.
May lumapit na babae sa kan'ya at may ibinigay.
"Ady, ito nga pala yung pinapagawa mo sa akin." Sabay abot ng isang papel.
Ngumiti ito pero halatang napilitan lang. "Salamat." 'Yun lang ang sinabi n'ya at umalis na ang babae.
Ah, Eddy pala pangalan nito. Eddy wow!
"A-ah..." Bakit ba ako kinakabahan kakausapin ko lang naman s'ya. "E-eddy?" Tawag ko sa kan'ya pero hindi ata narinig. Malakas naman ang boses ko ah?!
"Eddy," nilakasan ko na para marinig n'ya. Gulat ako nang hindi pa rin s'ya lumingon sa akin. Bingi ba 'to?!
"EDDY!" sigaw ko at sabay hampas sa braso n'yang napakatigas. Ang s-sakit ng kamay ko. Bwesit na taong 'to!
"Ano?" Walang emosyon n'yang sabi. Hindi ata 'to nasaktan sa hampas ko.
"Ano 'yang binigay n'ya?" Sabay turo kay Alyssa na s'yang nagbigay ng papel.
"Pake mo ba?" nakakunot ang kanyang nuo at halatang galit sa ginawa ko. Aba! Wala na ba akong karapatang magtanong?! "At hindi Eddy ang pangalan ko! It's Adryan." sabay alis ng kan'yang tingin sa'akin.
Wait, what?! Adryan pangalan n'ya?! S'ya kaya yung kalaban ko sa pagiging Presidente. No! Pa'no 'to tatakbo kung ganito kasungit?!
"Ah, Ms. Lopez and Mr. Salazar you are now excuse in my class. Go to your respective partylist." Sabi ng adviser namin. Medyo mabait s'ya ngayon at nasa mood.
So, s'ya nga! S'ya si Adryan Salazar! Grabe, may pag-asa naman siguro akong manalo d'to. Mas matagal na kaya akong estudyante dito at transferee lang s'ya.
Dumiretso na ako sa opisina ng ULAP (United Liberal Association Partylist). May dalawa pang Partylist ang--- PAK (Partido Alyansa ng mga Kalalakihan) at SP (Surprise Partylist).
Nag meeting kami tungkol sa kulay ng aming team, magkano ang magagastos at ang schedule ng pangangampanya. Last na schedule namin ay ang 'miting de avance' na magaganap the day after tomorrow.
Paghahandaan ko ang araw ng miting de avance. Ibubuhos ko lahat ng mayro'n ako. It's all or nothing. Give your best because once in a life time lang kung mangyari ang isang bagay. 'Di mo na pwedeng maibalik though, pwede mong ulitin pero hindi na kagaya ng dati. History repeats itself.
Bukas kami mangangampanya dahil wala pa naman kaming kagamitan. Minabuti ko nalang umuwi para makapagpahinga. Bukas mag-uumpisa ang laban kailangan ko ng lakas.
Pagdating ko sa bahay ay naligo na ako. 6:30 na nu'ng natapos akong maligo. Pumunta ako sa kusina para kumain, saktong naghahapunan naman na sila.
"Akala namin kumain ka na?" Aniya. Huh? Sa'n naman ako kumain? Ano bang pinagsasabi ni Kuya?!
"Hindi pa naman ako kumain Kuya, ah." Naguguluhan man ay minabuti ko ng kumain.
"Hindi ba kayo kumain ni Ace sa labas?" Napaubo ako sa tanong ni Kuya. Agad kong kinunot ang noo ko. Pero natatawa lang si Kuya.
YOU ARE READING
Between Two Lies
RandomA girl that has imaginative mind stuck between the reality, truth, and lies. This is a story about finding and analyzing the truth between the two lies can she find out the reality? Can her mind identify the truth? Can she open her eyes in her situa...