Chapter 8

21 3 47
                                    

Library


After 7 Days...

Naguguluhan na ako sa mga panaginip ko nitong mga nakaraang araw. Wala akong maisip na dahilan kaya binalewala ko nalang.

Ito ang huling week bago mag sembreak. Medyo late silang nagpabakasyon pero ok lang naman.

May plano na kaming magkakaibigan na pupuntahan namin. We wanted to go to the northern part of the Philippines. We want to see the breath taking places in Batanes. Medyo malayo pero pinayagan na ako, eh. Kasama sila Cza, Faith at Tyler. Kaming apat lang kasi kami naman ang magbabarkada.

Si Tyler ang mag pla-plan ng itinerary. Kami naman sa mga kakailanganin. 6 days ang stay namin sa Batanes at sa linggo na kami aalis.

"Nag-review ka na ba?" Nanumbalik naman ako sa katinuan ko. Tiningnan ko kung sino ang nag salita. Si Adryan pala.

Magmula nu'ng makilala ko Mommy n'ya parang hindi na s'ya ganoon kasungit sa akin. Minsan nakikipaglokohan na rin s'ya. I think, I can say that we are close now.

"May exam ba?!" Naguguluhan kong tanong. Lutang na naman ata ako. Bobo na nga lutang pa! What a combination!

Nakunot naman ang noo n'ya. "Hindi ka ba nakikinig?!" Aniya. Parang pabulong nalang ang pagkasabi n'ya dahil nasa harapan na ang teacher.

Umiiling ako at nakasimangot. Napa-pout na rin para cute. Napatitig naman s'ya sa akin. Pero hindi ata s'ya na cute-an. Tumikhim s'ya at nagsimula ng maglabas ng papel.

"Pahingi?" Nakangiti kong tanong. Napatingin naman s'ya sa akin na para bang hindi makapaniwala na wala akong dalang papel.

Binigyan n'ya naman ako ng tatlong piraso.

"Thanks!" Sabi ko. Pero hindi na s'ya tumingin sa akin. Sungit na naman. Naalala ko na wala pala akong ballpen. Napatingin ulit ako sa kan'ya.

"Ah... Eh... Pwedeng manghiram ng ballpen?" Nahihiya kong tanong. Napatingin na naman s'ya sa akin. He gave a serious look to me.

"Wala kang ballpen?!" Irita n'yang tanong. Nakakunot na ang kan'yang noo ngayon.

Umiling nalang ako bilang sagot. Wala naman talaga, eh! Kung mayro'n edi sana kanina ko pa nasulat yung maganda kong pangalan!

Binigyan n'ya naman ako. Buti nalang medyo bumabait na 'to.

"Estudyante ka pa ba?!" Tanong n'ya sa akin. Hindi s'ya nakatingin sa akin kung hindi sa kan'yang papel.

"Oo!" Bakit ako nand'to sa school kung hindi ako estudyante?! Ito, medyo bobo rin!

"Bakit wala kang papel at ballpen?!" Inis n'yang sabi.

"Eh, kasi---" Napapout nalang ako dahil wala akong maisip na dahilan.

"H'wag ka ngang pout ng pout d'yan, mukha kang bisugo!" Aniya. Nilamon naman ako ng hiya kaya mabilis kong binalik ang naka pout kong labi.

Wow, ha! Mukhang bisugo?! Grabe kung makapag salita! Sarap namang patayin 'to.

Kinabahan ako sa exam namin dahil 50 items lahat, baka wala akong makuha. 'Pag sineswerte ka nga naman dahil matalino 'yung katabi ko at mabait ngayon. Pinakopya ako ni Adryan.

"Ok, pass you papers to the front. Monitors, please arrange it properly." Sabi ng teacher namin na nag pa exam. Hindi nga nagtuturo ta's magpapaexam! Buang ba 'to?!

"Bakit 48 mo lang?!" Nakakunot ang kan'yang noo at hindi makapaniwala. "Pinakopya na nga lang kita!" Dugtong n'ya.

Duh?! As if naman na kokopyahin ko lahat!

Between Two LiesWhere stories live. Discover now