CHAPTER ONE

1.8K 37 1
                                    

Hindi makapaniwala si Lira. Until that moment, she still couldn't believe what she just saw. Hindi matanggap ng kalooban niya ang nasaksikan ng dalawang mata niya. She saw Rico and Vivian kissing each other!

Inisang lagok niya ang lamang whiskey sa hawak na kopita. Napapikit siya nang maramdaman ang init na dumaloy mula sa kanyang lalamunan pababa sa kanyang sikmura. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya inihit ng ubo. Mukhang nasasanay na ang katawan niya sa epekto ng alak.

Hindi siya sanay uminom ng alak. She gave out a crazy laugh. Nakakatawang isipin na ang isang katulad niyang itinuturing na "anghel" ng mga kaibigan at pamilya niya ay nagpapakalango sa alak ng gabing iyon. Dahil lang sa isang lalaki? Sa isang gagong lalaki! Bumalong ang masaganang luha sa kanyang namamagang mga mata.

Kanina pa siya iyak ng iyak. Hindi niya kailanman matatanggap ang katotohanang nagawa siyang traydurin ng dalawang taong pinakamamahal niya—her bestfriend and her boyfriend!

"How can they do this to me?" tumatangis na aniya matapos yumukyok sa mesa.

Wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan man siya ng mga tao sa paligid niya. Well, duda rin naman siyang mapapansin siya ng mga ito. Naroon siya sa Midnight Heaven, isang sikat na bar sa Makati. Minsan lang siyang nakapunta roon nang sunduin niya ang kaibigang si Vivian mula sa gimmick.

Vivian na naman!

Muli niyang naramdaman ang pagsigit ng kirot mula sa kanyang puso. She has loved Vivian like her own sister, pero paano nito nagawang agawin sa kanya si Rico gayong alam nito kung gaano niya kamahal ang kasintahan? She trusted her. She trusted them! Mas lalong lumakas ang pagnguyngoy niya, tila nakikisabay iyon sa nakakabinging tugtugan sa loob ng bar.

Natigil lamang siya sa pag-iyak nang maramdaman niya ang pag-uga ng upuan sa harap niya. Kunot-noong napaangat siya ng ulo upang bistahan kung sinumang walang modo ang gumambala sa pag-eemote niya. Her jaw literally dropped wide open when she saw the culprit's pretty face.

Sanay siyang nakakakita ng gwapo, lalo na sa linya ng kanyang trabaho. She's a professional photographer. Kaya hindi na bago sa kanya ang mga mukhang pang-modelo. Pero ang lalaking nasa harapan niya, his beauty was beyond comparison. His fiery eyes, they're too black that it gave her the uttermost feeling of being fossilized. He's got the coldest stare she has ever laid her eyes upon, yet it looked dazzling. He can look at those coal black eyes forever!

His nose was perfectly pointed. His lips were devilish red that can lure any woman to loose her sanity. His domineering presence was very prevailing, para bang sa pag-upo nitong iyon inari na nito ang lugar na iyon. Mabilis niyang ikiniling ang ulo. Mukhang nasisiraan na siya ng ulo. Heto siya, katatapos lang mabroken heart, pero nagagawa pang ma-appreciate ang kagwapuhan ng ibang lalaki.

"Hindi mo ba nakikitang may naka-upo na rito?" mataray niyang tanong.

"Hindi ko nakita. Akala ko kasi anino ka lang." pasupladong sagot nito. Inayos nito ang pag-upo na parang sinasabing wala itong pakialam kung may naka-upo man roon o wala.

Kung sa ibang pagkakataon iyon ay nasigawan na niya ito. Pero iba ang nangyari sa kanya, sa halip na magwala ay wala sa loob na napalunok siya dahil sa sensasyong inihatid ng swabeng boses nito. Once again, she shook her head. Epekto lang ito ng alak. "Pwes ngayon, nakita mo ng may tao rito. Maghanap ka ng sariling mesa mo."

"I want to stay here."

Sasagutin pa sana niya ito ng pagtataray ng biglang mahagip ng mata niya ang kalungkutang biglang bumalot sa kanina lamang ay masungit na mukha nito. Kaya sa halip na sumagot ay napabuntong-hininga na lamang siya. Sa totoo lang, pagod na rin siya. Wala na siyang lakas para makipagtarayan pa rito. Muli niyang sinalinan ang baso ng whiskey. Isang bote ang inorder niya kanina dahil gusto niya talagang maglasing. "Gusto mo?" alok niya.

My Night Angel (PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon