Yara was left standing outside the condo building with a small smile. Kahit naman ayaw niyang aminin, she felt comfortable with Dri.
Dri was outgoing and jolly, but she had to cut him off. Ayaw ni Yara na masanay sa mga ganoong klase ng conversation. Those kinds of fun conversations lasted, and she hated it.
Ayaw niya sa pakiramdam na natatapos ang ganoong conversation nang hindi namamalayan. Ayaw niyang masanay dahil baka hanapin niya iyon kaya kapag nakakikilala siya ng taong tingin niya ay komportable siya, siya na mismo ang lumalayo.
It was her defense mechanism.
Yara was used to pushing people away to protect herself, and knew there was nothing wrong with it. After all she had been through, siguro ay ayos lang naman na protektahan niya ang sarili niya.
Nang makaakyat sa floor kung saan ang nirentahan niyang condo, kaagad na humiga sa kama si Yara. Ni hindi pa siya naligo o ano, pero pakiramdam niya, bigla siyang napagod, biglang inantok.
Hindi namalayan ni Yara na nakatulog na siya nang magising dahil sa tumatamang sikat ng araw sa mukha niya. Pagtingin niya sa orasan, it was already one in the afternoon.
Mahina siyang natawa dahil hindi niya inasahang ganoon na siya katagal na natulog, isa pa, kumakalam ang sikmura niya. Kung ano rin ang suot niya, iyon pa rin paggising. She felt a little disgusted, pero mas nangibabaw ang antok.
Binuksan ni Yara ang phone para tingnan ang notifications. Maraming tags at mayroong friend request galing kay Dri.
Adriano.
Parang apelyido rin lang ang pangalan nito, ang weird.
In-accept ni Yara ang request bago niya tiningnan ang iba pang notification at nagtingin sa News Feed ng mga post ng ibang friends niya.
Bukod pa roon, may ilang mga naka-tag na picture sa kaniya galing kina Renzo at Karol, pati na rin sa ibang kasama nila sa party.
Nakita ni Yara ang itsura niya sa pictures na nakayuko lang at tahimik na nakaupo sa sulok. Wala siyang kausap, minsang nakatingin sa phone, nakatulala sa mga kaibigan niyang nakikipagkuwentuhan, at parang wala pa nga sa hulog. Natatawa siya dahil nagmumukha siyang weird.
May ilang pictures din na kasama si Dri na naka-tag.
Pagkatapos maligo, nag-order na lang si Yara sa Grab ng kakainin niya bilang late lunch. Grabe na ang gutom niya at medyo nangasim ang sikmura niya lalo na at mayroong alak.
Wala naman siyang planong umalis. Nag-decide siya na mag-stay na lang sa condo dahil kinabukasan naman ng hapon, babalik na siya ng probinsya.
Sa naisip, mahinang natawa si Yara. Babalik na ulit siya sa probinsya at pakiramdam niya, muli siyang makukulong. Trabaho na naman ang gagawin niya sa maghapon para kumita ng pera. Mag-iisip na naman ng sideline na puwedeng pandagdag sa income.
Yara didn't know how to say no—the main reason she was silently struggling. Hindi alam iyon ng pamilya niya dahil mas pinili niyang huwag ipaalam.
Ipinalibot ni Yara ang tingin sa loob ng condo na narentahan niya. Maganda iyon at simple. Studio type lang ito, pero malinis at medyo aesthetic ang datingan.
Pagpasok ng pinto, maliit na kusina na mayroong kalat, initan ng tubig, at microwave na hindi naman niya nagamit. Mayroon din namang ref na walang laman kung hindi mga magnet at ilang display tulad ng vintage pictures ni Marilyn Monroe.
Sa tapat ng kusina, may pinto na papunta sa bathroom. Sa living area, nandoon na rin ang maliit na sofa, maliit na dining area, at susunod ay kama na. Nothing special kasi mura lang naman ang bayad niya. Cute lang dahil sa ibang naka-display. Wala rin naman kasi siyang planong mag-stay nang matagal, uuwi na rin siya.