Nang makarating sa destinasyon nila, nagulat ang lahat dahil kung malala na sa pictures na kumalat sa social media, mas malala pa pala sa personal. Halos walang naisalba ang mga tao, kahit na mga damit. Magulo ang buong lugar na inaayos ng ilang LGU.
Hindi pa nahihinto ni Dri ang sasakyan, panay na ang tingin nila sa paligid. May ilang lugar pa ring lubog sa tubig at putik.
Ang ilan naman sa mga na-rescue at mga nasa evacuation center, naglabas nang makita ang mga paparating na sasakyan. Dinig din ang mga helicopter na umiikot at marami pang nakasunod a kanila.
Nakatatakot din na mayroong pandemic, pero walang mask ang iba bilang proteksyon. Naisip nila na malamang sa malamang, hindi na iyon naging priority ng mga nasalanta dahil pinilit na lang na iligtas ang sarili.
"Kaya mo ba?" tanong ni Dri kay Yara. Nakababa na ang mga kasama nila, pero hindi muna silang dalawa. "Huwag na huwag mo tatanggalin ang mask mo kahit ano'ng mangyari, huwag ka ring lalayo, okay? Kung pagod ka na, pumasok ka rito sa sasakyan o lumapit ka sa akin, okay?"
Tumango si Yara. "Ingat kayo sa pagbubuhat. Huwag mo ring tanggalin 'yang mask mo. Maghahanap na rin muna ako kung saang department ako makakatulong."
Bukod sa mask, inabutan ni Dri si Yara ng face shield na gagamitin nila. Halos wala ng social distancing kung nasaan sila at basta na lang nakapila ang lahat. Naatasan si Yara ng group leader na mamigay na muna ng mask sa mga nakapila.
Naalala ni Yara ang rescue operation na pinuntahan din nila ni Dri sa Manila. Kung malala na iyon para sa kaniya, mas malala pala sa probinsyang napuntahan nila.
Bigla raw tumaas ang baha at dahil limitado lang ang resources, halos walang nakapapasok na volunteers lalo na at hindi basta-basta. Maraming saradong daan, sirang kalsada, maputik, at may tubig pa ang ilan.
Isa pa, maraming tests na kailangang gawin.
Samantalang nag-a-unload sina Dri ng gamit galing sa kotse para sa mga ipamimigay. Naka-sort naman na ang mga iyon at naka-plastic na kaya magiging madali na ang lahat.
Maraming tao kung nasaan sila, pero wala pa raw iyon sa kalahati base sa opisyal na kasama nila dahil marami pang evacuation centers na puno at kailangan din ng tulong. Mabuti na lang at may mangilan-ngilan na rin daw na dumadating na tulong.
Malaki ang nalikom ng private organizations at private donation drives. Social media ang dahilan dahil nag-trending at agad iyong naipakalat.
Hapon na at katatapos lang nilang magbigay ng relief. May mga kasama silang doctor na gumagamot sa ibang nasugatan at nagtse-check sa iba. May mga nurse na volunteer para mag-assist at ang iba naman ay tumutulong para maayos ang tutulugan ng mga taong nasa paligid nila.
Hinahanap ni Dri si Yara. Buong maghapon niya itong hindi nakita dahil magkaiba sila ng task at magkalayo sila ng team na pinuntahan. Inikot niya ang buong lugar ng evacuation center para hanapin at kumustahin ito nang lumapit sa kaniya ang isang kaopisina niya.
"Nasa area sixteen ang girlfriend mo," nakangiting sabi nito. "Ikaw, ha?"
Umiling si Dri at hindi na niya ito itinama. Iniwan niya itong nakipag-usap sa mga kaopisina pa nila at pinuntahan si Yara sa area sixteen. Kaagad naman niya itong nakitang nakikipaglalaro sa mga bata. Nakasalampak pa nga si Yara sa sahig at sinsusuklay ang buhok ng isang bata para itirintas. Mukhang kinakausap din niya ito.
"Uy, nandito na pala boyfriend ni Ate Yara!" pabirong sabi ng kaopisina niya kaya nagtinginan ang mga bata. "Ayon, oh!"
Nagkatinginan sila ni Yara at parehong nag-make face at natawa. Lumapit si Dri at naupo sa harapan ng mga batang kumakausap kay Yara. Binabasahan ang mga ito ng libro tungkol sa fairytales at kung ano pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/248441832-288-k812635.jpg)