Chapter 19

137 9 16
                                    

Chocolate

"Oh nariyan ka na pala Kumain ka na ba?" Napalingon ako sa Entrada ng Hapag kainan ng magsalita si Dad.

Kararating palang ni ate Cai mula sa paghahatid niya kay Kuya Zayn. Tumingin lang siya sa amin bago naupo sa upuan sa tapat ko.

Pinagmamasdan ko mabuti si ate tinatancha ang reaksyon siya. Halatang may bagong problema na naman siyang dinadala ngayon.

"How was it?" Nagkibit balikat lang si Ate Cai sa tanong ni Dad habang ako ay nanatiling tikom ang bibig.

Hindi ko kase ugaling makisali sa usapan ng iba... Lalo pa kung hindi ko naman talaga alam ang pinaguusapan.

"Hindi mo pa rin ba nasasabi?" Umiling lang naman si ate Cai at nagsimula na ring kumain.

Hindi Nasasabi ang alin? Minsan talaga may pinaguusapan sila na hindi ko maintindihan.

Parang palagi nalang akong nagiging excluded.

Ayoko namang mangulit at magtanong. Ayokong isipin nila na gustong gusto kong malaman.

Kung sasabihin mo sa akin edi sabihin mo pero kung hindi ayaw kong mamilit.

"You have to tell him Caitlyn"

"Natatakot ako Tito." Ramdam ko ang takot sa boses ni ate Cai.

Anong sasabihin niya? Kanino?

Base from my analysis I think si Kuya Zayn ang pinaguusapan nila? So alam ni Dad?

"Umuwi siya rito para sayo Caitlyn... Wala na ba talaga?" halos mapanganga ako ng maconfirm sa tanong ni Daddy ang mga hinala ko.

Alam nga Niya!!

Ate Cai and Kuya Zayn? Wala na? Then naalala ko yung ngiti ni ate Cai nung bumaba siya ng sasakyan niya kanina.

Ganun siya ngumiti kay Kuya Zayn dati. Ate Cai's inlove?

But not with the man she used to love. Not with Kuya Zayn.

Not Anymore.

"Tito Hindi ko talaga alam nalilito ako"

Tumango tango si Dad kay ate Cai. Pinunasan pa nito ang bibig na ibig sabihin ay tapos na siya sa Pagkain.

"You figure it out on your Own Caitlyn. At ikaw naman" nangunot ang noo ko ng biglang humarap si Dad sa akin.

"What about me Dad?" Ngumiti lang si Daddy sa akin at ginulo ang buhok ko

"Hayaan mo na sila Tito" napalingon naman ako kay ate Cai ng magsalita siya.

May ngiti din sa labi niya at parang naiintindihan niya ang gustong sabihin sa akin ni Dad.

So ako lang ba talaga ang walang idea?

Nagkibit balikat na si Dad at nauna ng umalis iniwan kami ni ate Cai sa Hapag.

Nagpatuloy ako sa pagkain ng magsalita si ate Cai.

"Gusto mo ba si Zayn... Para sa akin?" Napatingin ako kay Ate Cai ng sabihin niya yun.

Tiningnan ko siyang mabuti tinitingnan sa mata niya kung anong sagot ang gusto niyang marinig mula sa akin.

I like kuya Zayn for her yun ang totoo. I know I couldn't imagine anyone for her than him.

But her eyes says different. Maybe I don't know anything about them? Maybe my judgment is wrong?

Or maybe once in her life she really did love Kuya Zayn. That it was perfect. Was!

At My Worst (SharDon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon