Chapter 12

188 14 13
                                    

Compare

"Ready ka na?" Sinalubong ako agad ni George palabas ng Classroom ko sa araw na yun.

Tinatanong niya ako kung ready na ba ako sa Date namin. Akala ko nagbibiro lang siya kagabi pero sinundo niya ako sa bahay kanina para lang ipaalala yun sa akin. Nagpaalam pa raw siya sa Coach nila na di siya magpapractice ngayon.

Gusto ko sanang tanggihan pero sayang naman tutal nakapagpaalam na siya at wala naman akong gagawin so I better spent my time with him.

"Saan ang punta niyo pede sumama?" Napalingon kami ng sabay ng biglang sumulpot si Felicia sa likod ko. Tiningnan ko siya ng masama kaya humalgapak na siya ng tawa

"Joke lang ang sama agad ng tingin nito" Natatawa nitong sinabi na akala ko ako ang tinutukoy pero ng tingnan ko si George ay narealize kong mas masama pala ang tingin niya

"Sa Sabado ka nalang sumama matutuwa pa ako sayo Felicia" Kita kong nagtataka si Felicia sa sinabi ni George pero hindi na nagawa pang magtanong kase hinatak na ako ni George paalis sa lugar na yun.

Nang makalayo kami ay saka ko siya tinanong

"Saan sasama si Felicia?" Parang di naman siya makapaniwala na tinatanong ko siya nun

"Akala ko ba Matalino ka?" Nanliit ang mga mata ko sa Tanong niya kaya tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko

Mas galit ko pa siyang tiningnan.

Inayos ayos ko yung buhok ko sa araw na to tapos guguluhin niya lang?

Pinaghandaan ko pa naman to para maganda ako.

"Wag kang sumimangot mas lalo kang gumaganda" agad kong naramdaman ang pagiinit ng mukha ko sa sinabi niya.

Nagsimula na ring tumibok ng mabilis ang puso ko. Minsan iniisip ko tumitibok din kaya ang puso niya ng ganito kapag kasama ako? Baka kase normal lang to since magkaibigan naman kami.

Kapag ba kasama mo kaibigan mo normal na tumitibok na ganito ang puso mo?

"Gusto ko lang na may kasama kayo ni Dom para di siya dumiskarte sayo" nagtataka ko siyang tiningnan ng sabihin niya yun. Nasa Loob na kase siya ng kotse kaya akala ko tapos na kaming magusap about dun.

"Oh" napalingon ako sakanya ng biglang siyang magsalita. Nanlaki ang mata ko ng makita siyang may inaabot na bulaklak.

"Saakin to?" Tumango siya at tumawa sa Tanong ko

"Oo kanino pa ba?" Nagiinit ang pisngi ko habang tinatanggap ang bulaklak

Ang ganda ng pagkakaayos nito. First Time ko makatanggap ng flowers mula sakanya. Hindi ko alam na nagbibigay pala siya ng bulaklak

Pangilan kaya ako sa nabigyan nito? Itanong ko kaya? Hindi kaya siya magagalit kung itatanong ko?

Nagsimula na siyang magdrive habang tahimik lamang ako nakatingin pa din sa mga bulaklak

"Sa mall tayo?" Sinimulan kong magbukas ng topic para naman may mapagusapan kami.

Umiling siya "Sa Resto lang" tumango tango lang ako

Formal Date ba to? Bakit sa Restaurant pa dapat?

"Okay lang naman sayo diba? Para maiba naman...sigurado kase akong sa ganito ka dadalhin ng gagong yun" Di ko sigurado kung tama ba yung pagkakarinig ko sa huli kase mahina pagkakasabi niya

At My Worst (SharDon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon