Chapter 43

154 17 44
                                    

Run

Natapos ang laro nila George ng hindi bumabalik si Fei.

Saan kaya siya nagpunta?

Niyaya ako ni Felicia na bumaba kaya wala na akong nagawa kundi sumama nalang sakanya at magkunwari na ayos lang ang lahat.

Kakausapin ko nalang siguro si Fei paguwi ng bahay or puntahan ko siya sakanila mismo.

Natigil ako sa pagiisip ng maramdaman ko ang pagyakap sa akin ng kung sino.

Hindi ko na kailangang lingunin pa para malaman kung sino to dahil sa amoy palang na pamilyar sa akin at sa marahang tibok ng puso ko sigurado na ako.

Ngumiti ako habang umiikot para makaharap siya.

"Congrats" Nakangiti kong bati sakanya na mas nagpalawak sa Ngiti niya. Hindi ko siya palagi kinocongratulate dahil hindi naman na talaga nakakagulat sa tuwing nananalo siya.

He is Gregorio and basketball is his game palagi siyang panalo at kung matatalo man siya...

Hindi ko yun napapanood.

I have never watched any of his game where he lose.

"Congrats ba yan dahil nanalo ako or dahil nanalo ako sayo?" Nawala ako sa pagmomonologue sa utak ko ng sabihin niya yun habang inaakbayan ako.

Pagak pa siyang tumawa kaya siniko ko sa tagiliran niya Kunyareng masama niya akong tiningnan.

Umatras ako dahil alam ko na kung anong plano niyang gawin. "Wag kang lumayo masakit yun My Precious"

Hindi ko siya pinakinggan at nagbelat pa sakanya bago ako nagsimula na tumakbo palabas ng Gym.

Narinig ko na sumisigaw si Felicia pero hindi ko na muna siya pinansin. By this time naman siguradong alam na din ni Felicia ang relasyon namin ni George.

Teka ano nga bang relasyon namin ni George?

Kami na ba?

Ay teka hindi naman niya ako niligawan ah? Hindi niya din ako tinanong kung pede akong maging Girlfriend

Pero sinabi niyang mahal niya ako. Hinalikan niya pa ako.

Hindi ako sigurado ano na ba kami ni George ngayon?

"Huli ka" Nabigla ako ng hapitin ni George ang bewang ko at iharap ako sakanya.

Halos hingalin ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa lapit namin. Tanaw ko rin sa peripheral vision ko ang mga tingin ng mga taong dumaraan na napapalingon sa gawi namin.

"Ang bilis bilis mo talagang lumayo sa akin" Halos mapapikit ako dahil baka maduling ako magkadikit na kase ang ilong namin dalawa at kung sabay lang kaming magsasalita baka magkahalikan kami rito.

Ngumiti siya sa akin at sinapo ang dalawang pisngi ko tila iniipit sa mga palad niya ang mukha ko.

"Pero ngayon di ko na hahayaan na makalayo ka pa sa akin"

Napapikit ako ng ilapit niya pa ang mukha niya lalo pero imbis na maramdaman ko ang labi niya...

Naramdaman ko lang na ginalaw niya ang mukha ko para pagdikitin ang ilong namin dalawa.

He did that cute little gesture I usually seen in cute romantic movies. Hindi ko tuloy napigilan na ngumiti sakanya.

Humiwalay na siya sa akin at pinagsalikop ang mga kamay namin.

At My Worst (SharDon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon