Chapter 39

165 15 18
                                    

Hope

"Ano raw ang sabi?" Doon lang ako nakabalik sa ulirat ng magtanong si Ate Cai.

"Wala naman ate" Ngumiti lang ako sakanya pero seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin.

"Ayos ka lang?" Tumango lang naman ako at lumapit na sakanya

"Nakuha mo na pala yung cookies sa oven tikman na natin" Seryoso pa rin ang tingin ni ate Cai sa akin pero hindi ko nalang iyon pinansin at sinubukang pasiglahin ang tono ko.

Matapos namin kumain ay natulala lang ako sa may sala habang nagphophone si ate Cai.

May katext ata.

Iniisip ko kase si Fei at ang pagbabalik niya. Alam ko naman na babalik siya pero hindi ko inexpect na ganito ka aga.

Sana man lang bumalik siya kapag paalis na ako diba? Nakakalungkot isipin na kukunin niya na si George sa akin.

May iba ng pipiliin si George kesa sa akin.

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" Napalingon ako kay Ate Cai ng bigla siyang magsalita ngumiti lang naman ako sakanya.

Yung pilit na ngiti lang at tumango na din. Ayoko ng dumagdag pa sa iniisip ni ate marami siyang pinagpaplanuhan sa ngayon.

Napatingin ako sa phone ko ng bigla itong tumunog

Ungas:

Busy ka? Samahan mo naman ako may ipapakilala ako sayo

Napairap nalang ako sa text niya sigurado naman ako na babae nanaman ang ipapakilala niya sa akin.

Me:

Wag nalang ibebreak mo rin naman yan

Ungas:

Galing mo talaga biruin mo alam mo agad? So kelan ko ibebreak?

Napairap nalang ako sa message niya

Me:

Bahala ka sa buhay mo.

Pinatay ko ang phone ko at binitawan saka sumandal sa may upuan. Tumulala lang ako roon hanggang sa makatulog ako.

"Huy Kanina ko pa napapansin ang pagtulala mo" Kunot noo si Felicia na nakatingin sa akin

Nasa Room kami ngayon at hindi ako kumikibo sakanya kahit kanina pa siya nagsasalita. Hindi ko nga namalayan na tapos na pala ang klase at ibang mga eatudyante na ang nandito.

"Tara na nga" Hinatak na ako ni Felicia patayo. Nagpatianod nalang ako sakanya kung saan man niya ako balak dalhin kase wala ako sa wisyo para magdesisyon kung saan pupunta.

Hindi kase gumagana ng maayos ang utak ko sa kakaisip sa pagbabalik ni Fei.

Alam na kaya ni George? Should I tell him?

Paano kung plano ni Fei na isurprise si George? Tapos sinabi ko baka magalit nanaman sa akin si Fei dahil sinira ko yung plano niya.

Ayoko naman na may masabi pa siya sa akin kaya dapat hindi nalang ako makialam kung ano man ang plano niya.

"May problema ka ba?" Napatingin ako kay Felicia huminto na pala siya sa paglalakad. Nasa may Library kami ngayon at nakatayo lang sa isang shelf dito.

"Bat tayo nandito?" Hindi naman kasr mahilig si Felicia magpunta rito pupunta lang siya dito kapag niyaya ko siya minsan mabilis din siyang umaalis.

At My Worst (SharDon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon