Chapter 14

123 10 7
                                    

Try

"Pumunta daw si George dito Kagabi?" Tumango lang ako sa tanong ni Dad. Nasa Hapag kainan kami ngayon kung saan  kami kasalukuyang nagaalmusal.

"Nagusap kayo kaya ba Mukhang puyat ka?" Umiling lang ako. Totoo na nagusap kami ni George pagdating ko dito pero saglit lang yun.

Napuyat lang talaga ako kakaisip... Sa maraming bagay.

"May iniisip lang po ako Dad"

"At Ano naman yun?" Napakagat labi ako ng tanungin yun ni Dad. Nasa akin ang buong atensyon niya habang si ate Cai at tahimik lang na nakikinig sa amin.

Lately pansin ko ang pananahimik ni ate Cai parang may nagbabago sakanya. Usually kase sa ganitong mga bagay nangaasar na dapat siya sa akin pero ngayon tahimik lang siya.

May problema kaya si ate Cai?

"Wala lang po yun Dad" ngumiti pa ako ng pilit para alisin ang atensyon ni Dad sa akin pero nanatili lang siyang nakatingin habang tumatango tango.

Mukha siyang hindi naniniwala sa tingin niya pero yung pagtango niya ay hudyat ng pagsangayon.

Muli siyang ngumiti sa akin "So kumusta pala ang date niyo ni Dominic did you have fun?" Tumango lang naman ako.

Isa nga iyon sa iniisip ko kagabi yung naging date namin ni Dominic. I really did have fun.

Pero di ako sigurado kung dahil ba kay Dominic yun o dahil sa Isang tao.

Yung unang mga oras na kasama ko si Dom ayos ayos lang I can't say na enjoy na enjoy ako pero sakto lang. Nakakasundo ko siya sa ilang mga bagay pero di ko makakalimutan ang pagsabi niyang boring sa pinakamamahal na sports ni George.

Yung mga last minutes ng Date namin totoo na yung ngiti ko at may sigla na ako. But that happened after the call I have with George.

And his text saying he'll be waiting for me at home.

Kaya hindi ako sigurado if dahil ba kay Dominic kaya naging ayos ang mood ko or dahil sa ibang tao.

"That's good so kailan raw ang next date niyo?" Napalingon ako kay Dad ng tanungin niya iyon.

Iba na talaga ang nafefeel ko kay Dad. Parang nilalakad niya si Dominic sa akin. Does he like Dom for me? Akala ko pa naman like ate Cai he thinks that George and I... Nevermind.

"I don't know Dad" sagot ko nalang at nagpatuloy kumain

"If he invite you again say Yes" napalingon ulit ako kay Dad dahil sa sinabi niya. Hindi siya sa akin nakatingin ngayon pero nakangiti siya at parang malalim ang iniisip.

Sumulyap ako kay ate Cai at kita kong nagaalala siyang nakatingin sa akin. Parang sakanilang dalawa mas ramdam ni ate Cai ang pag ayaw ko.

"Alam ko na bat di kaya si Dominic nalang ang maghatid sayo dito diba?" Humarap si Dad sa akin ng may mas malawak na ngiti.

Kumunot na talaga ang noo ko. George always pick me up and send me home.

When I say always I mean Always!

"Bakit pa Dad? Nandiyan naman si George?"

"Syempre para mas makilala mo pa si Dom diba?" Tumingin ako kay Ate Cai nanghihingi ng tulong na kumbinsihim si Daddy na si George nalang.

Tumikhin si ate Cai "ahm Tito... I think mas okay na si George nalang he lives in front of our house so di na hassle sakanya diba. Baka maging abala lang kay Dom si Precious"

At My Worst (SharDon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon