Chapter 8

165 13 14
                                    

Bulacan

Pagkatapos ng araw na yun naglielow si George sa pambabae. Hindi ko alam kung nagsawa na ba siyang magloko kaya siya tumigil or busy lang talaga siya ngayon kaya walang time sa Babae?

Malapit na kase ang Final Exam namin para sa Second Semester ng First Year. Hindi ko na nga nahahagilap si ate Cai sa bahay kase masyado siyang busy sa pagaayos ng requirements niya for Graduation. Kaya palagi akong tumatambay sa Kubo kung saan ako sinasamahan ni George kahit hindi naman kami nagkikibuan madalas.

Pagkatapos kase nung pagiyak ko mas naging caring siya sa akin na medyo nakakailang.

Masyado kaseng bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing ginagawa niya yun. Hindi ko naman maintindihan kung bakit ganun. Hindi ko rin naman pedeng sabihin na tigilan niya kase hindi ko matanggi na masaya ako kapag ganun siya sa akin.

Maybe my heart beat faster because I'm too happy? Siguro ganun nga.

Ungas:

Nasa Kubo ka?

Napangiti ako ng mabasa ang text niya sa akin. Sabado kase ngayon at wala akong pasok siya naman ang alam ko ay may isang subject siya sa araw na ito. Tumingin ako sa Orasan sa Kubo alas Onse palang ng umaga.

Alam ko hanggang alas Dose ang klase niya siguro chineck lang ako nito kaya nagtext?

Me:

Yep. School Ka?

Ungas:

Oo patapos na din.

Ang bilis niya magreply wala ba siyang ginagawa sa Room? Ang alam ko ay Major subject nila to. Break time siguro?

Ungas:

Punta ako diyan After Class :)

Me:

Okay :) Makinig ka muna diyan.

Ungas:

Gusto kitang itext

Hindi ko na napigilan ang pagngiti ko dahil sa Text niya. Magrereply palang ako ng mag vibrate ulit ang phone ko

Ungas:

Wala ka namang katext na iba diba?

Nakatitig lang ako sa phone ko paulit ulit binabasa ang text niya habang nakangiti.

Wala namang nakakakilig sa text niya pero bumibilis ang tibok ng puso ko. Para nagtatanong lang naman siya Amara ah?

Dahil sa sobrang kasiyahan ko nakalimutan ko ng magreply nagulat nalang ako ng nagring ang phone ko

Ungas is Calling

"Hello" Mahina kong sabi kahit wala namang makakarinig sa akin dito.

"Busy ka ba? Bakit di ka na nagreply" masungit ang tono niya naririnig ko pa ang ingay sa linya niya parang mga taong naguusap usap

"Tapos na ba Klase mo"

"Oo Pauwi na..." Hindi niya natuloy kase may kumausap ata sakanya

"George tara laro?" Isa siguro sa kaklase niya ang nagaaya sakanya hindi ko narinig ang tugon niya. Naglalakad ata siya paalis sa kumpol ng mga tao kase sunod na magsalita siya tahimik na.

"Pauwi na ako." Tumango lang ako kahit di naman niya nakikita palihim na napapangiti siguro tinanggihan niya yung nag aya?

Malamang Amara kaya nga pauwi na siya diba.

At My Worst (SharDon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon