Chapter 5

190 15 16
                                    

Best friend

Nakagraduate kami ng Senior High at ako ang nakakuha ng Highest Honor. Nakapasa din kami pareho sa School ni ate Cai kaya doon naming piniling magaral. Naalala ko pa kung paano kami nagtalo ni ate Cai dahil dun

"Hindi mo pa nga Chinecheck yung Result" pagsermon niya sa akin ng araw na sabihin kong nagexam ako sa School niya at nakapasa ako

"Diba sabi ko intayin mo muna yung Result? Bat ba di mo chineck yun" Nakayuko lang ako habang pinapagalitan niya ako

"Ayos lang naman yung School mo ate..." Naputol yung paliwanag ko kase nagsalita siya

"Wala naman akong sinabi na hindi yun maayos ang akin lang madaming nangangarap sa Dream School mo kung ako kaseng talino mo lang baka dun ako nagaral" Rinig na rinig ko ang panghihinayang niya. Pinilit niya pa ako na buksan yung Envelope at tingnan ang result pero tumanggi ako

Hindi naman na kailangan. Nakita ko na yun...

Nakapasa ako.

"Nanghihinayang lang talaga ako kase malaki ang Potential mo" Nasasaktan akong makita si ate Cai na ganito parang gustong gusto niya talaga na piliin ko yung school na yun. Pakiramdam ko alam niyang pumasa ako kaya ilang araw niya na akong pinipilit

"Kakausapin ko si Tito..."

"Ate wag please" natigilan siya ng makita niyang nangingilid na ang luha ko.

Kaya kong labanan si Ate Cai pero hindi Si Daddy. Sigurado ko na pag nalaman niyang tinago ko na pasado ako di siya magdadalawang isip na gawin lahat para lang mailipat ako sa School na yun.

"Ano ba talagang dahilan bakit di mo pinili yun?" Kalmado na si ate Cai ngayon pero ako humihikbi pa din

"Si George ba?"

Pinaliwanag ko sakanya kung bakit pinili ko ang school niya at pinangako niya naman na hindi niya sasabihin kay Daddy.

Kaya itinago namin yun kay Dad. Itinago ko din kay George yun. Pakiramdam ko kase hindi niya magugustuhang malaman na ginive up ko ang Dream School ko para sakanya

Saka hindi ko rin alam paano ko ipapaliwanag na Ginive up ko yun kase gusto kong makasama siya.

Kase ano?

Kase Best Friend ko siya?

"Anak anong plano mo sa Debut mo?"

"Kahit simple lang po" Malapit na kase ang Birthday ko noon naman dahil Summer yun ay palagi lang kami nag out of town kasama pamilya ni ate Cai na umuuwi pa talaga para lang dun. Ngayon dahil siguro 18 na ako ang gusto ni Dad ay magkaroon ng Celebration

"May listahan ka ba ng mga gusto mong mapabilang sa 18 mo?" Umiling lang ako kay Daddy

"Ayoko po ng Party kahit tayo tayo nalang Dad tapos sila Tita Gelly" Mommy ni George yun.

Sila lang din naman ni Gina ang pinaka tuturing kong kaibigan kaya okay na ako sa Party na sila lang ang Kasama.

Hindi naman kumibo si Dad. Hindi siya sumasangayon pero hindi niya na rin ako tinanong ulit.

Nang Araw ng Birthday ko ay maaga ako nagising sunod sunod na ang narereceive ko na greetings mula sa mga kabatch mate ko, at mga older at younger batch na nakasalamuha ko. Sa dami nila hindi ko na magawang magthank you isa isa.

At sa Dami nun isang pangalan lang ang hinanap ko pero walang greetings o kahit text lang mula sakanya.

Little Me:

At My Worst (SharDon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon