Chapter 32

170 17 43
                                    

Heartache

"Amara Anak ikaw pala yan" Napatingin ako kay Tita Gelly ng magsalita siya.

Lumapit naman si Tito kay George para kuhanin sa akin.

"Bakit Lasing si George?"

"Hindi ko rin po alam." Kumunot ang noo ni tita sa Sinagot ko.

Gusto ko ng umalis dito sa harapan nila kaya nagisip ako ng palusot.

"Tinawagan lang ako ni George at lasing na po siya... Sige Tita Papasok na din po ako" Hinintay ko na tumango si Tita bago ako tumalikod para bumalik sa bahay.

Pagpasok ko palang sa pinto ng bahay namin ay bumuhos na agad ang mga luha ko.

First Kiss ko yun.

At ibinigay ko siya sa lalaking mahal ko pero hindi naman pala ako ang iniisip niya.

Sobrang saya ko nung sabihin niyang mahal niya ako. Bakit ganun ang damot damot naman ng tadhana wala pang one hour may kadugtong na agad na sakit.

Hindi pa nga nagsink in sa akin yung I Love You sinampal na agad ako ng realidad.

Si Fei yung mahal niya.

Si Fei pa din hanggang ngayon.

Natigil ako sa pagiyak ng biglang bumukas ang ilaw sa buong kabahayan.

"Baby?" Gulat na mukha ni Dad ang sumalubong sa akin ng lumiwanag ang paligid.

Kumunot ang noo niya ng makita ako na umiiyak "Bakit ka umiiyak?" Hindi naman ako sumagot basta lumapit nalang ako sakanya at niyakap ko siya.

He is the only man who will never hurt me.

Siya lang ang malalapitan ko ngayon.

Nakatulog ako ng gabing iyon sa bisig ni Daddy. Grabe hindi ko na maalala kung kelan ko ba huling nagawa yun basta bata pa ako nun.

Ganun pala ang feeling ng masaktan. Naiintindihan ko na si Dom at si Felicia noon.

Ang hirap hirap pala tanggapin pag sinasampal ka na ng katotohanan na hindi ikaw ang mahal.

Kase ang dali dali lang isipin na okay lang kahit di ikaw. Na okay lang kahit di masuklian yung nararamdaman mo pero ang totoo nun umaasa ka naman na Sana may chance.

Mas masakit pag sinampal ka talaga na Wala.

He Said I love you and kissed me then said other name.

Tangina masakit talaga.

Bumangon ako ng araw na yun kahit na nanlalata pa talaga ako at mugto pa ang mata ko mula sa pagiyak ng magdamag.

"Anak Bangon na may pasok ka pa" ang katok ni Dad ang naging dahilan ng tuluyan kong pagbangon at pagkilos para maghanda sa pagpasok.

"Good Morning Ma'am" tumango nalang ako sa kasambahay ng batiin nila ako. Dumeretcho ang lakad ko papuntang hapag para sabayan si Dad na magalmusal.

"Hello Dad" Bati ko at umupo na para makakain na kami. Habang Sinasalinan ko ang plato ko ng pagkain ay nararamdaman ko ang paninitig ni Dad sa akin.

Tinabihan niya ako at inalo buong magdamag pero hindi niya ako pinilit na magsalita sa kung anong nangyare at kung bakit ako umiiyak.

Ngayon Tinitingnan niya lang ako pero hindi pa din siya directly nagtatanong. Parang gusto niyang ako ang magopen up sakanya.

At My Worst (SharDon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon