Chapter 10

161 13 6
                                    

Mad

"Amara pwede ba akong manligaw sayo?" Natulala ako sa Sinabi niya Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot

Nakangiti siya sa akin at parang lalapit pa kaya naalarma ako at napaatras ng sabay kaming nagulat sa biglang pagbusina.

Oh Shit !

I know kung saan galing yun. Napatingin ako sa Gate ng bahay nila Felicia kung saan nakaparada ang sasakyan ni George habang nakababa ang Bintana nito at masama agad ang tingin niya sa Gawi namin.

"Ama..." Hindi ko na pinatapos si Dom umalis ako sa Tabi niya at maglalakad na sana paalis kung di lang ako nakaramdam ng hiya parang ang rude naman kung aalis lang ako bigla

"I'm sorry Mauuna na muna ako" Parang magsasalita pa ata si Dom pero nagtatakbo na ako palapit sa sasakyan ni George bago siya pa ang Bumaba at magtalo pa sila.

Pagkapasok ko palang ay sinalubong na ako ng madilim niyang Awra.

"I'm Sorry"

"Bakit kayo Magkasama"

natahimik kami ng sabay kaming nagsalita. Nagiwas siya ng tingin sa akin at inihampas ang kamay sa Manobela.

Bumuntong hininga ako ng magsimula siyang magmaneho ng hindi na ulit ako nililingon. Hindi ko gusto ang pananahimik niya kase parang galit siya sa akin at ayaw ko na nagagalit siya. Ayaw ko ng ganito siya. Ayoko ng iniiwasan niya ako.

"I'm Sorry George pinapaalis ko naman siya kaya lang mapilit siya gusto niya..." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko kase hindi ko alam kung dapat ko ba yung sabihin?

Sinabi ni Dominic na gusto niya akong ligawan diba? Hindi ko alam ang pakiramdam ng ganun pero hindi naman kase ako nakasagot diba? I shouldn't tell George about it until I'm sure.

"Gusto??" Lumingon siya sa akin ng isang beses bago bumalik ulit sa daan. Kinagat ko lang ang mga labi ko

"Wala... Gusto niya lang akong samahang Maghintay" Tumango tango lang siya pero hindi na ulit kumibo

"Bakit ka pala natagalan?" Hininto niya ang sasakyan sa isang Mall. Alas sais na ng gabi kaya maraming pumapasok na sasakyan sa Parking ng Mall. Siguro dahil Rush hour kaya magpapalamig muna kami dito?

"Ang Kulit kase ni Gina nagpupumilit sumama" kinalas niya ang Seatbelt niya ng maipark niya ng maayos ang sasakyan Kinalas ko din ang akin at nauna ng bumaba

"So bat di mo siya Sinama?" Umiling lamang siya

"Ayoko nga Maingay yun" Natawa nalang ako hanggang ngayon talaga minsan nagaaway pa din sila dahil sa pagkakaiba nila.

"Wag kang tumawa di pa tayo Bati ah" napawi naman ang ngiti ko ng sabihin niya yun.

Napanguso ako nagiisip kung paano ba kami magkakaayos. Lumapit siya sa akin at hinapit ang bewang ko.

Eto nanaman po ang puso ko at nagsisimula nanamang maghuramentado.

"Let Spend time together" bulong niya lang yun sa tenga ko bago hinalikan ang pisngi ko at naglakad na papasok ng mall.

"Bakit kayo ganun magkalapit kanina nung dumating ako?" Nagsimula na siyang magtanong saakin.

"Syempre Naguusap kami" Huminto siya sa lakad kaya nagtataka ko siyang tiningnan.

Hinarap niya ako sakanya at hinawakan ang baba ko habang tinititigan ako.

Nararamdaman ko nanaman ang malalakas na pintig ng puso ko. Nakipaglabanan ako ng tingin sa mga mata niya pero ako na din ang kusang sumuko.

At My Worst (SharDon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon