Chapter 31

183 14 29
                                    

Kiss

Nanatili lang akong nakatingin kay Dominic habang nakaluhod siya.

Gusto kong magalit sakanya dahil palagi niya nalang ako inilalagay sa Spot light kung saan napepressure ako na gumawa ng mga bagay.

"Amara Sagutin mo na yan"

"Yieee DomAra"

"DomAra for the Win"

Naririndi ako sa mga nagsasalita kaya minabuti ko nalang na patayuin si Dom.

"Dom Please stand up." Kita kong agad siyang kinabahan dahil sa malamig kong boses.

Nung tumayo si Dom ay isinunod ko ang tingin ko sakanya pero agad na lumagpas ito ng mamataan ko si George sa likuran ng kumpol ng mga tao.

Hindi siya nakangiti at parang hindi siya masaya sa nangyayare. Nagkatitigan kami pero tumalikod siya agad.

Lalakad na sana ako para iwan ang lahat ng kamay ni Dom ang pumigil sa akin.

"Saan ka pupunta Amara?" Bigla kong naalala na dapat ko pala siyang kausapin para once and for all ay matapos na ang lahat ng ito.

Unti unti ng nabawasan ang mga tao sa paligid dahil sa tagal ng sagot ko. Nawala na din sa amin ang atensyon ng mga naroroon.

"Maguusap tayo Mamaya Dom." Hindi ko na inintay ang sagot niya at lumakad na ako sa tabi ni Felicia para maupo.

"Sinagot mo?" Tumingin ako sakanya ng tanungin niya yun bago umiling. Tumango lang naman siya sa akin.

Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung may text ba dun pero wala.

To Ungas:

George nasa Room ka na ba?

Nagintay pa ako ng ilang minuto para sa reply niya pero walang dumating. Hanggang sa dumating na ang prof namin ay di na siya nagreply

Baka may prof na rin?

Kahit ganun ay naisipan ko pa rin na itext pa siya ulit.

To Ungas:

Iintayin kita Mamaya ah may sasabihin ako sayo.

Balak ko kaseng ikwento sakanya yung ginawa ni Dom.

I want to be completely honest with him. Like I said I want him to feel my love for him.

Hindi ako umaasa na susuklian niya yun ang gusto ko lang maiparamdam sakanya.

Para sa huli wala akong pagsisisihan.

Natapos na ang klase ko sa araw na yun at wala pa din akong narereceive na Text mula sakanya.

"Ahm Amara" Napalingon ako kay Dom ng bigla siyang lumapit sa akin. Kita kong napatingin rin ang mga tao sa paligid namin.

"Mga Chismosa talaga di mapigilan" napabaling ang tingin ko kay Felicia ng magsalita siya. Kita kong isa isang nagalisan ang mga kaklase namin na kanina ay nakikiusyoso pa.

Ngumiti ako kay Felicia as a sign of Thank You ngumiti lang din naman siya at tinapik pa ako sa balikat bago umalis sa room.

Minsan talaga blessing ang pagiging Straight forward ni Felicia. Kung pede nga lang siya na ang kumausap kay Dom ngayon.

"Yung about sa tanong ko kanina..." Napatingin ulit ako kay Dominic ng magsimula na siyang magsalita.

Bumuntong hininga muna ako bago marahang umiling. Kita kong bumagsak ang mga balikat niya.

At My Worst (SharDon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon