Chapter 29

176 15 15
                                    

Support

"So Nasa Bulacan ka pa din at di ko pa malalaman kung di kita naisipan na tawagan?" Rinig na rinig ko ang frustration ni Felicia habang kausap ko siya sa Phone.

Tumawag siya para sana yayain kami ni George na gumala kagaya ng plano last week kaya lang ay nagulat siyang malaman na hindi pa rin pala kami umuuwi.

"Kailan ba ang uwi niyo ng makagala na tayo"

"Pauwi na kami ngayon magalmusal lang" rinig ko ang pagpalakpak niya sa kabilang linya kaya napailing nalang ako.

Mukhang galang gala na talaga si Felicia at hindi na makakatagal pa.

Naputol ang paguusap namin ni Felicia ng biglang may kumatok sa akin sa kwarto.

"Amara Papasok ako" Bumukas ang pintuan kung saan pumasok ang ngiting ngiting si Valerie sa akin.

"Nagcheck ka na ng Inatagram?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya at umiling.

Limang araw kami ni George dito at sa nagdaang araw isang beses lang ako nagOnline... Nagstory ako nung picture ni George yun lang.

Gumagamit naman ako ng phone pero para lang tumawag o magtext kay ate Cai, kay Dad or kagaya kanina kay Felicia.

Ginamit kase namin ni George itong bakasyon na ito para sana malibot namin ang magagandang Lugar dito. Nung pangalawang araw ay naligo kami sa isang ilog. Tapos nung sumunod naman ay nagkweba kami.

Marami kaming masasayang nagawa. Hindi pa nga sana kami uuwi kung di lang talaga kailangan.

Umuwi kase ang parents ni ate Cai sa hindi ko malamang dahilan. Kaya pinilit na ako ni Dad na Umuwi.

"So Hindi mo pa nakikita ang Post ni George?" Umiling lang ulit ako sa sinabi ni Valerie. Iniabot niya naman sa akin ang phone niya at pinakita ang isang Post 5 days ago.

It was my picture in the mountain while watching sunset.

May caption yun na "Above all Else."

Anong ibig sabihin ni George Doon?

"Grabe ang Sweet talaga ng pinsan ko hookt na hookt" napalingon ulit ako kay Valerie ng magsalita siya.

Nakatingin lang din siya sa akin na parang nangaasar nawala lang kami sa asaran ng biglang dumating si Lola para tawagin si Val.

Nagpost pala si George nung magkasama kami sa Bundok? Dinampot ko ulit ang phone ko at chineck mabuti ang post niya.

Hindi niya ako Tinag doon pero marami ang nakakilala sa akin. Sa dami ng comment dun nangunot ang noo ko ng mabasa sa pinaka una yung mga comment ni Gina, Felicia at Ate Cai.

"My Ship is Sailing" napailing nalang ako. Si Gina talaga isa sa nagpupush sa amin ni George.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung seryoso ba si Gina o sadyang nangaasar lang kase alam niyang walang malisya kami ni George.

Anong Walang Malisya Amara? Talaga kung walang Malisya bat ka nafall at kinikilig ha?

Umirap nalang ako sa sarili sunod kong nabasa ang Comment ni Felicia

"Sana Ol Above" agad naman akong pinamulahan dun. Siraulo talaga tong si Felicia!!

Kailangan kong ipaalala na lumayo layo sakanya kase baka mahawahan niya pa ako ng kadumihan ng utak niya.

Natatawa ako na naiiling kase naiimagine ko mg iniirapan ako ni Felicia habang sinasabi na

Wow Amara napakalinis mo naman anong Madumi sa Above?

At My Worst (SharDon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon