Chapter 45

237 21 40
                                    

Defeat

Parang dinudurog ang puso ko sa sandaling iyon. Bakit ba ganito? Bakit ba pinapahirapan ko ang sarili ko.

Nagmamahalan naman kaming dalawa ha?

Bakit ba hindi ko nalang piliin na maging masaya kami.

Muli ko siyang pinagmasdan habang nasa may paanan ko nakahawak sa mga tuhod ko para hindi ako makaalis.

Hindi ko na kinaya pa.

Kusa akong lumuhod para magkaharap kaming dalawa. Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya gamit ang dalawang kamay ko para maiharap ko siya sa akin.

Ngumiti ako sa gitna ng mga pagluha habang pinapalis ko ang luha niya sa mata na tuloy tuloy parin.

"Don't leave me Precious please" mahina niyang bulong sa gitna ng pagaalis ko ng mga luha niya. Bumigat pa lalo ang dinadala ko sa dibdib dahil sa pagsusumamo pa rin na nababakas ko sa tono niya.

"Precious" Hinawakan niya din ang isang pisngi ko at ngumiti sa akin.

Tinigilan ko ang pagalis ng mga luha niya at hinawakan nalang ang dalawang kamay niya para maitayo siya. Hindi pa rin siya kumikilos parang ayaw niyang tumigil sa pagluhod

"George Stand up"umiling lang naman siya

"Hindi ako tatayo hanggang hindi ka nangangako na hindi mo ko iiwan at na mahal mo ko" Hindi ako kumibo sa sinabi niya at nagpatuloy sa paghila pero ayaw niya pa din.

Nang mapagod na ako at marealize na kailangan ko siyang sundin ay nagsalita na ako.

"Promise hindi na ako aalis" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko as a sign of Promise. Muli ko siyang hinala patayo pero hindi pa din siya tumayo

Sinamaan ko na siya ng tingin.

Nahihirapan na ako ah!

Kase naman nagpapabigat na nga siya para di ko mahatak ayaw niya pa ring tumayo. "Gregorio sina..."

"Hindi mo pa sinasabi na Mahal mo ko" may kaunting ngiti na siya sa mukha ngayon. Umirap lang naman ako at muli siyang hinatak pero mas nagpabigat pa siya

"Sabihin mo muna kase" Sa inis ko sa pagmamatigas niya imbis na sabihin ay hinalikan ko nalang siya.

Ramdam kong nagulat siya sandali sa ginawa ko pero paglipas ng ilang segundo ay naramdaman ko na ang labi niya na lumalaban sa mga halik ng labi ko.

Nang mangalay ako dahil nakatayo ako at nakaluhod siya ay humiwalay ako. Bakas ang ngisi sa mga labi niya ng tingnan ako.

"Anong ibig sabihin nun?" Nakangiti niyang sinabi humalukipkip lang naman ako at umiwas ng tingin para itago ang pamumula ng mukha ko.

"Hindi mo naman sinabi na Mahal mo ko Precious" Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan.

Hinalikan ko na nga siya hindi niya pa rin ba iyon nakuha?

"Ano satingin mo ang ginawa ko?"

"Halik yun dapat sinabi mo na... I love you George" Sinubukan niya gawing kaboses ko ang huli para mas dama na ako ang nagsasabi.

Mas lalo namang sumama ang timpla ko dahil doon. Palibhasa kung sino sino ata ang hinahalikan nito kaya wala lang sakanya ang Kiss?

I don't kiss people I don't love.

"Alam mo bahala ka na diyan" tumalikod na talaga ako at nagsimula na maglakad palabas ng kwarto narinig ko na tinatawag niya ako pero hindi ko siya pinansin.

At My Worst (SharDon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon