Chapter 34

164 16 29
                                    

Move On

"Kumain ka na ba?" Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko ng isang pamilyar na boses ang maulinigan ko sa likuran ko.

Alam ko naman agad kung sino yun.

Si Gregorio Miguel Sigurado ko.

Hinarap ko siya at ang seryoso niyang tingin agad ang bumungad sa akin.

"Wala akong gana" Nakita ko ang pagbuntong hininga niya bago nagsimulang maglakad

Akala ko ay umalis na siya at iniwan na ako ng tuluyan sa library. In the first place paano ba siya nakarating dito ng hindi ko nakikita? Sa pintuan ako nakatingin bat di ko alam na pumasok siya?

May iba pa bang pintuan ang Library at doon siya Dumaan? O kanina pa siya nandito nung nakayuko pa ako?

Impossible may kasama pa siyang babae kanina kaya kakarating niya lang siguro. Baka di ko lang talaga napansin kase pre occupied ang utak ko.

Nagulat ako ng bigla siyang umupo sa Harap ko. "Magpapalipas ka ng kain?" Nandito pa pala to akala ko ba umalis na siya?

"Hindi ako Gutom Ikaw ba di ka kumain? Nasaan pala yung babae mo?" Gusto kong sampalin ang sarili ko ng tanungin ko yun.

Wow Amara hinanap mo pa talaga ah Masokista ka teh?

"Iniwan ko na" Umirap naman ako ng Sabihin niya yun. Same old George the heartbreaker.

Lalandiin ka, tapos pag kumagat ka ilang oras lang or ilang araw titigilan ka na.

Depende sa mood niya... Or depende kung kelan ko ayawan yung Babae.

Pansin ko kase noon na madalas kapag nagreklamo na ako about sa babae doon na din siya nagpapalit ng babae.

Pero iba naman kase ngayon. Kung pwede lang sabihin ko sakanya ako nalang maging babae niya...

Gagita ka talaga Amara!

syempre tatanggihan ka lang niyan baka pagtawanan ka pa. Friends lang kayo.

Nanikip ang dibdib ko sa mga iniisip ko. Sinimulan kong Kolektahin ang mga gamit ko at naghanda ng umalis

"Sandali saan ka pupunta?" Nagtataka niyang tanong pero hindi ko na siya sinagot. Binitbit ko ang mga libro ko at umalis na ng tuluyan sa Library.

"Precious sandali lang" Hindi ko parin pinapansin si George naglalakad pa rin ako na deretcho lang ang tingin.

Nabigla ako ng hablutin niya ang isang braso ko kaya nalaglag ang mga libro ko.

"Sorry" Agaran niyang sinabi at siya na ang nagsimulang pulutin ang mga ito. Nanatili lang akong nakatayo roon habang tinitingnan siyang pinupulot isa isa yung mga libro.

"Salam..." Kukunin ko na kase sakanya sana pero inilayo niya ito sa akin.

"Magusap muna tayo Please"

"George masama ang pakiramdam ko" Pagdadahilan ko at pilit na kinukuha yung libro pero pilit niya din itong nilalayo.

Lumapit pa ako sakanya para maagaw ko pero tinaas niya naman ang kamay niyang may hawak na libro.

Okay I give up!

Wala akong laban dun matangkad siya at kahit tumingkayad pa ako dito at magtatalon di ko maabot yun.

"Kung masama pakiramdam mo dadalhin kita sa Clinic"

"Gusto kong umuwi" Pagdadahilan ko ulit baka sakaling gumana ito sakanya.

At My Worst (SharDon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon