Chapter 9

182 11 10
                                    

Manliligaw

"Talaga sa Bulacan kayo nagbakasyon? Taga doon ka pala!" Kausap ko sa Phone si Felicia ngayon kinamusta niya kase ako dahil miss niya na raw ako nung mga huling araw kase ng school year di kami masyadong nagkakasama dahil sa kanya kanyang priorities.

Hindi ko pa din naman masasabi na malapit na kaming magkaibigan ni Felicia but I already consider her as one. Hindi ko pa siya napagkakatiwalaan sa ilang bagay tungkol sa akin

Lalo na yung palaging gumugulo sa isip at puso ko about sa kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay George.

My first Option is to ask ate Cai about this maybe she knows something about it. I also want to ask George if he ever feel that too. Kaya lang as always kapag andiyan na siya titiklop na ako hanggang makalimutan ko na ng tuluyan.

"Hey Amara you still there"

Kita mo na?

Kahit may kausap ako at di naman siya ang pinaguusapan bigla nalang talagang lumilipad sakanya yung isip ko.

Gulong gulo na talaga ako

"Hindi kami ang Taga Bulacan sila George" Halos maitapon ko yung Cellphone ko ng magtitili si Felicia sa kabilang linya

"Hoy okay ka lang ba diyan?" Nagaalala kong tanong ang awkward naman kase ng tili niya para siyang kinakatay na baboy

"Pinakilala ka niya sa Family niya grabeeeeee kayo na ba ha?" Gusto kong batukan at sabunutan si Felicia sa naging tanong niya.

Bakit ba palagi niyang iniisip na kami ni George? Hindi ba malinaw na magkaibigan lang kami?

"Feel ko talaga ako yung number 1 Fan niyo since lahat naman sa School natin inggit sakanya kase nasa kanya ka" Humalakhak pa siya na nagpailing nalang sa akin. Gusto kong Sabihin sakanya na mali ang iniisip niya pero nauunahan ako ng tawa.

Nakakatawa kaseng pakinggan na sakanya nanggaling yun. From the girl who used to hate me for having Gregorio's loyalty. Naalala ko pa kung paano niya ako binantaan.

Iyon nga ata ang dahilan kung bakit di ko siya mapagkatiwalaan ng lubos. Natatakot ako na baka mamaya gamitin niya yun against sa akin.

"So ano na nga Kayo na? Finally after so many years" rinig na rinig ko sa tono niya ang tuwa na para bang nasubaybayan niya talaga kami ni George

"Hindi Kami Okay!!"

"Whaaaaat? Eh bakit may pagpunta sa Probinsya nila?" Mula sa napakasiglang tono naging malungkot naman ngayon.

Parang apektadong apektado siya sa Buhay namin.

"Bakasyon lang kasama namin si Ate Cai nun" nagbuntong hininga nalang siya. Napapailing ako kase naiimagine ko si Felicia na umiirap irap na ngayon sa akin.

"Hay nako tawagan mo nalang ako pag kayo na ang bagal niyo" Hindi ko na napigilan ang paghalakhak ko sa frustration niya.

Umaasa ata talaga siya na magiging kami. Hindi ba niya nakikita? Magkaibigan lang kami talaga ni George. Saka naalala ko pa nuon wala talaga si George sa Standard ko ng mga lalaki.

Gusto ko yung mabait, Kahit di gwapo basta marespeto. Gusto ko yung ako lang ang mahal.

At lahat ng yun hindi si George.

Nakita ko siya kung paano magtrato ng babae at siguradong sigurado ako malayo si George sa lalaking papangarapin ko.

Saka di rin naman ako Gusto nun. Pansin ko kadalasan sa mga nagiging babae niya.

At My Worst (SharDon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon