Chapter 35

147 14 29
                                    

Decision

Alas Sais ng Gabi eksakto ng dumating si Daddy sa Bahay. Nagulat pa siya na makita akong nasa Sala na nagiintay.

"Kanina ka pa?" Tumango lang naman ako.

Pagtapos naming kumain ni George ay hinatid niya na ako. Hindi na siya pumasok pa sa Bahay at ang alam ko ay bumalik si George sa School pagkahatid niya sa akin.

So nagstay lang ako sa kwarto buong hapon at lumabas ng alas singko para abangan si Daddy.

Alam ko kase pag nakita niya akong nasa Sala at nagiintay magegets agad ni Dad na importante ang Pakay ko.

"Sa Office tayo, magbibihis lang ako" Tumango lang naman ako. Nagsimula ng tumalikod si Dad para pumunta sa Kwarto niya.

Susunod na sana ako ng tumunog ang phone ko para sa isang Text.

Ungas:

Kumusta na ang pakiramdam mo? Katatapos lang ng Practice ko.

Kumunot ang noo ko. Katatapos lang ng Practice niya? It's Six in the evening ah?

To Ungas:

Ayos na ako. Bat ngayon lang natapos yung practice niyo?

Agad agad kong binura yung dapat irereply ko.

Hindi ko siya dapat replyan diba? Kung aalis na ako at iiwan ko na siya hindi ko na dapat dagdagan pa ang mga alaalang babaunin ko.

Mas mahihirapan lang ako makalimot kung dadagdagan ko pa ang kailangan kong kalimutan.

Ungas:

Magpahinga ka bukas papupuntahin ko si Mommy diyan para icheck ka kung di ka makakapasok

Nanlaki ang mata ko ng mabasa ang sunod niyang text agad agad akong nagtipa ng reply

Me:

I'm okay now wag mo ng abalahin pa si Tita

"Ma'am tawag po kayo ni Sir sa Office niya" Tumango lang ako sa kasambahay at tinago na ang phone ko para umakyat sa office ni Dad dito sa bahay.

Pagbukas ko palang ng pinto ay ang seryosong mukha na ni Dad ang sumalubong sa akin. Itinuro niya pa ang upuang pang kliyente na animo'y isa talaga ako sa Kliyente niya.

"Anong Importanteng bagay ang gusto mong pagusapan natin na talagang inintay mo pa ako sa sala?" Bumuntong hininga muna ako sa sahig lang tumingin

"Gusto ko pong sumunod kay ate Cai Abroad Dad."

"WHAT?" Napatingin ako agad kay Daddy ng malakas na boses niya agad ang naging tugon niya sa akin.

Inexpect ko ng magugulat si Dad sa sasabihin ko at hindi basta basta papayag.

Naghanda na rin ako ng mga sasabihin ko para mapapayag siya pero ngayon ay tumitiklop ako.

No Amara!

Kailangan mong sabihin yan.

"Gusto ko lang naman makasama si Ate Cai..."

"At Ako Hindi?" Napakagat ako ng labi ng deretcho yung itanong sa akin ni Dad.

Gusto ko din makasama si Dad of course pero alam ko naman na hindi siya pede umalis dito.

Kita kong kinakalma ni Daddy ang sarili niya. Deretcho siya na tumingin sa akin tila binabasa ang nasa isip ko bago malalim na bumuntong hininga

"Kung ginagawa mo to para makalayo kay..."

At My Worst (SharDon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon