Chapter 22

188 15 6
                                    

Follow

Binaba ko na ang tawag at nanatiling nakatulala lang.

George If I tell you I love you... Will you tell me you love me too?

Napapikit ako habang nagsisimulang bumagsak ulit ang mga luha ko.

Bakit ba kailangan sa isang katulad pa ni George ko unang maranasang magmahal? Wala nga siya sa kahit isa sa Standard ko tapos sakanya pa ako nahulog?

Pede namang kay Dom ah? Or sa kahit sino sa school na matino pero bakit kay George pa?

Bakit sa best friend ko?

Bakit sa lalaking hindi pwede sa akin?

Should I start avoiding him? Kaya ko ba?

Nagpatuloy akong umiyak ng gabing yun hanggang sa makatulog ako.

"Precious bangon na tanghali na" Ang boses ni ate Cai ang bumungad sa akin ng umagang iyon.

Tinanghali ako ng gising dahil sa pagod sa kakaiyak. Tamad akong bumangon at nagsimula ng kumilos para sa school ko.

Ang mga nagtatakang mata ni ate Cai ang sumalubong sa akin sa Hapag wala na si Daddy siguro ay maagang umalis.

"Parang may iba sayo ngayong araw ayos ka lang ba?" Tumango lang   naman ako at nagsimula ng kumain.

Parehas kaming tahimik ni ate Cai sa Hapag ng biglang pumasok ang Isang Kasambahay.

"Ma'am Amara nasa labas po si Sir George iniintay po ata kayo" Nasamid ako ng sabihin niya yun kaya agad akong inabutan ni ate Cai ng tubig.

Ng makabawi ay hinarap ko ang kasambahay "Pakisabi nalang po nakaalis na ako" Nagtataka akong tiningnan ng kasambahay bago dahan dahang tumango at umalis na.

Napabaling ako kay ate Cai ng tumikhim siya. Ang kaninang nagtataka niyang tingin ay napalitan ng pagaakusa.

"May problema ba kayo ni George?" Umiling lang naman ako ayokong sabihin sakanya yung alam kong matagal niya ng hinala sa akin.

Ayoko aminin kay ate Cai, kay Felicia o kay Gina kahit pa kay George mismo ang nararamdaman ko.

I won't admit to anyone that I'm inlove with George. Never! Lalo pa at alam kong di naman kami pareho ng nararamdaman.

"bakit di ka sumabay sakanya?"

"Wala lang" mas kumunot ang noo ni ate Cai sa naging sagot ko.

Hindi ko nalang siya pinansin at tinapos ang pagkain.

Pumasok ako ng araw na yun kahit na ang utak ko ay hindi makapagfocus.

Nasa Classroom ako pero si George lang ang iniisip ko at kung paano ba mawawala yung feelings ko sakanya.

"Hindi ka naman talaga madaldal pero ang weird ng pagkatahimik mo today" napatingin ako kay Felicia ng magsalita siya kumakain kami ngayong dalawa ng lunch.

Pinagpapasalamat ko nalang talaga na hindi pa dumadating si George kase di ko talaga alam paano ko siya haharapin.

Should I act normal? Or should I avoid him?

Nagiisip akong mabuti ng gagawin ng bigla naman sumulpot si Dominic sa harapan ko

"Hi Amara" nakangiti siya sa akin kaya ngumiti nalang din ako

"Anong kailangan mo?" Si Felicia na ang nagtanong kung bakit nagpunta si Dom rito.

Kita kong nagaalangan siya na magsalita habang nakatingin sa akin

At My Worst (SharDon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon