CHAPTER FIVE

25.8K 376 46
                                    


"Baka naman masira na agad 'yan sa kakatipa mo, Jinuel." Natatawang pansin sa akin ni Sarge Edward.

Hindi ko ito nagawang lingunin pa dahil busy ako sa pagkalikot ng bago kong cellphone.

Gaya nga ng pinangako ni Sarge Edward, tinupad nito ang kanyang sinabi na bibigyan niya ako ng cellphone. At hindi lang mumurahin na cellphone, kundi mamahalin pa. Kung tawagin nila ay touch screen.

Sobrang saya ko lang dahil kahit kailan ay hindi pa ako nagkaroon ng ganitong telepono. 'Yung de-keypad lang kasi ang meron ako at pinaglumaan pa iyon ni Tita Rosa. Kaso, dahil sa sobrang tagal na ng cellphone na iyon, tuluyan na siyang nasira.

Kaya heto, walang mapaglagyan ang tuwa ko ngayon dahil mayroon na akong bagong cellphone. At bigay pa ng crush kong Pulis.

"Sarge, salamat po rito." Sabi ko at ngumiti kay Sarge Edward. Ngumiti naman ito pabalik sa akin.

"Syempre, dapat may kapalit iyan." Nakangisi nitong turan sa akin. Mapakla akong napangiti.

Hindi ko naiwasang kabahan nang sabihin iyon ni Sarge Edward. Kahit na alam ko naman na kung anong kapalit ang gusto niya.

Ganun pa man, tama rin naman siya na dapat ay may kapalit ang lahat ng binibigay sa'yo. Lalo na't hindi naman pinupulot ang perang pinambibili.

"Bilisan mo ng kumain dyan. Dadaan ulit tayo doon sa tambayan ko." Dagdag pa nito.

Nang matapos kaming kumain ni Sarge, agad kaming nagtungo sa parking lot. Luminga linga muna ito sa paligid bago pinaibis ang kanyang sasakyan.

"Mahirap na. Baka mahuli tayo ni misis." Sabi nito na nakatuon ang tingin sa kalsada.

"Siguro po, maganda ang asawa ninyo." Wala sa sariling nasabi ko.

Napatingin sa akin si Sarge na may maliit na ngiti sa labi.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng ngiti niyang iyon kaya napayuko na lang ako. Baka mamaya'y magalit ito dahil nanghihimasok ako sa buhay niya.

"Oo. Maganda siya. Kaya ko nga siya nagustuhan, e. Tsaka, hindi naman siguro kami makakabuo ng tatlong anak kung hindi ko siya mahal. Kaya nga lang, kung minsa'y hindi niya na ako pinagbibigyan sa mga gusto ko. Lalo na sa sex." Lumingon sa akin si Sarge na may nakakalokong ngiti nang sabihin nito ang huling salita.

Para tuloy akong namulahan ng pisngi.

Ang ibig bang sabihin ni Sarge ay sa akin niya nakukuha ang bagay na hindi niya na nakukuha sa kanyang asawa?

Hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin. Para tuloy akong kabit ni Sarge Edward. Pero mas bagay atang tawagin akong parausan.

Hindi na ako muling nagsalita pa. Tahimik lamang na binabagtas ng sasakyan ni Sarge ang lugar na aming pupuntahan.

'Di kalauna'y narating na rin namin ito.

Hininto ni Sarge ang sasakyan nito sa harap ng lumang bahay. Nauna itong lumabas ng sasakyan para pagbuksan ako.

Napatulala na lang ako nang buksan nito ang pinto para sa akin. Malapad naman ang pagkakangiti ni Sarge habang inaalalayan pa ako pababa.

Muling nauna si Sarge sa paglalakad habang nakasunod lamang ako sa kanya.

Nang buksan na nito ang pintuan ng lumang bahay, para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig. Tila nanuyo rin ang laway sa bunganga ko. Ang puso ko'y parang gusto ng lumabas ng mabungaran ko si Tito Hermes sa loob ng lumang bahay.

Nakangisi ito habang titig na titig sa akin. Animo'y gusto akong lamunin ng buhay. Para bang may alam ito na tiyak na makakasira sa buhay ko.

"Ang tagal niyo naman." Turan ni Tito Hermes kay Sarge. Pero nananatiling nakatitig ito sa akin.

The Boys of Barangay SantolanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon