CHAPTER FOUR

26.5K 463 59
                                    


Huling gabi na ng lamay ni Kuya Lexus. Maraming mga kaibigan niya ang nagpuntahan. Nagpunta rin ang mga dati niyang kinakasama at maging ang mga anak nito. Masasabi mong napakarami ring nagmamahal kay Kuya Lexus kahit pa basagulero o takaw-away ito.

Kahit papaano naman ay may magaganda rin naman siyang nagawa rito sa Barangay Santolan. Syempre, isa na ako sa mga naka-experience n'un.

Kaya nga hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala. Kung alam ko lang na mababaril pala si Kuya Lexus noong gabing lumabas siya para harapin ang kaaway niya, hindi ko na sana siya pinalabas pa.

Parang naging kasalanan ko pa tuloy kung bakit pinaglalamayan namin siya ngayon.

Pero mabuti na lamang at mabilis na nahuli ng mga Pulis ang salarin sa pagpatay kay Kuya Lexus.

Nang marinig ko ang putukan ng baril, agad akong lumabas kahit binilin sa akin ni Kuya Lexus na huwag akong lumabas. Mas nanaig ang pangamba at pag-aalala ko sa kanya noon kaya kahit delikado para sa akin ang lumabas, ginawa ko parin.

Paglabas ko ng bahay ay puno ng mga tao sa pinangyarihan ng insidente. Ang daming nakikiusyoso. Sa gitna ng daan ay doon nakahandusay ang wala ng buhay at duguan na si Kuya Lexus. May mga tama ito sa dibdib.

Halos manglumo ako nang madatnan ko si Kuya Lexus na ganoon ang itsura. Hindi ko akalain na sa isang iglap ay ganun na lang na mawawala ang buhay niya.

Mabuti na lamang at mabilis na nakaresponde ang mga Pulis dahil nang mga gabing iyon, nagpapatrolya sa buong Barangay sina Sarge Edward at ang mga kabaro nito.

Patakas na sana ang suspek pero nahuli rin nila ito agad dahil nasa paligid lang naman sina Sarge Edward noon.

Taya raw sa jueteng ang pinag-ugatan ng alitan ni Kuya Lexus at ng bumaril sa kanya. Tinakbo raw kasi ni Kuya Lexus ang kalahati ng taya at pinambili nito ng droga.

"Parang kanina pa malalim 'yang iniisip mo, ah?" Nabalik ako sa aking huwisyo nang makarinig ako ng boses sa tabi ko.

Si Sarge Edward pala. Nakaupo ito sa tabi ko.

Hindi ko maiwasang hangaan ang maamong mukha nito lalo na kapag nakasuot ito ng uniporme niyang Pulis.

Isa si Sarge Edward sa mga crush ko rito sa Barangay Santolan. Pero hindi kagaya ng mga lalaking natikman ko na rito, mailap sa akin si Sarge.

Siguro ay dahil sa pagiging Pulis nito at pamilyadong tao.

Kaya naman hanggang pagpapa-cute lang ang nagagawa ko rito. Medyo takot rin ako sa kanya dahil nga sa Pulis ito.

Pero ngayon, narito siya sa tabi ko. Dinadamayan ako sa pagkamatay ng kanyang kaibigan.

Magkababata si Sarge Edward at Kuya Lexus. Kaya hindi na katakataka kung bakit nandito siya.

Madalas na si Sarge Edward ang nagtatanggol kay Kuya Lexus kapag nasasangkot ito sa away. Kaya ganoon na lang kung magsiga-sigaan si Kuya Lexus dito sa Barangay Santolan dahil na rin sa tulong ni Sarge Edward.

"A-ah, naaalala ko lang po si Kuya Lexus ." Sagot ko rito at nag-iwas ng tingin. Muli akong sumipsip sa hawak kong zest-o.

"Ano namang naaalala mo kay Lexus ?" Tanong muli ni Sarge Edward. Napalingon ako sa kanya. May nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi habang naghihintay ng sagot rito.

Bigla akong tinubuan ng kaba. Hindi ko malaman kung sasagutin ko ba ang tanong niyo o magkukunwari nalang na hindi ito narinig.

Pero huli na.

Kunwari'y napangiti ako at nag-iwas ng tingin rito. "A-ah, e-eh... 'y-yung... a-ano p-po–"

"Jusko, Jinuel! Andyan ka lang palang bata ka." Natigil ako sa pagsasalita nang biglang dumating si Tita Rosa. "Ay, hello po Sarge Edward." Baling ni Tita kay Sarge. Nag-ngitian naman ang dalawa.

The Boys of Barangay SantolanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon