CHAPTER TWELVE

11.6K 209 12
                                    


First day ko rito sa bago kong eskwelahan. Medyo nahihirapan pa akong maka-adjust dahil lahat sila ay halos anak mayaman. Parang ako lamang ang naiiba sa mga kaklase ko.

Sa totoo lang ay kaya ko namang makipag-sabayan dahil may kaya rin naman si Papa. Pero hindi naman ako nasanay sa ganoong karangyaan. Kaya mas pinili ko nalang na maupo sa isang sulok.

"Hi." Nakangiting bati sa akin ng isang matangkad at maputing estudyante na kagaya ko.

Ngumiti lang ako rito at nagpatuloy na sa pag-ubos ng baon ko. Tumabi ito sa kinauupan ko at kinausap ako kahit na hindi ko ito pinapansin.

"You're the new student, right? I'm France. What's your name?" Pang-uusisa pa nito.

"Jinuel." Tipid kong sagot rito.

Gwapo itong si France. Pero sa tingin ko'y pareho ko rin itong bakla dahil sa pananalita nito.

"Nice to meet you, Jinuel." Sabi niya pa. Ngumiti lang ulit ako rito.

"You're gay, right?" Prangkang tanong nito. Medyo nagulat pa ako, pero kalauna'y tumango rin ako bilang sagot. Wala naman kasi akong dapat na itago pa sa kanya. Mahahalata rin naman niya. "Same here." Natatawa niyang dagdag.

"Ang hirap, 'no? Feeling mo, you're not belong to them because of your gender preference. Ganun ata talaga kapag bakla. Iniilagan." Sabi pa niya.

Ngumingiti lang ako rito at hindi siya pinapansin sa mga sinasabi niya.

Sabi ng Papa ko'y makipag-kaibigan raw ako sa mga bago kong kaklase. Kaso, mahiyain akong tao kaya hindi ako nakikipag-usap sa kanila.

Baka kasi kapag lumapit ako sa kanila, bully-hin nila ako gaya ng mga napapanood ko sa tv.

"Huy, magsalita ka naman. Don't worry. I'm not a bully. Gusto lang kitang maging kaibigan." Pangungulit pa nito.

Tumigil ako sa pagkain at tumingin rito. "S-sorry, hindi lang kasi ako sanay na nakikipag-usap sa hindi ko pa gaanong kakilala." Patotoo ko.

Ngumiti naman ito sa akin. "It's okay. Ganun talaga kapag first day mo sa bago mong school. Mangangapa ka pa. But atleast, you're trying." Sabi naman nito. Ngumiti ako sa kanya pabalik.

"Anyways, wanna join with me after school? Coffee tayo dyan sa Starbucks."

Kumunot ang noo ko. "S-starbucks?"

"Starbucks. 'Yung coffee shop."

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Ano 'yun?"

Mahina itong natawa. "You don't know Starbucks?" Umiling ako. "Really? Hindi ka pa nakapunta roon?" Umiling ulit ako. "Gosh! Saang lugar ka ba nagmula?" Sabi pa nito na natatawa. "Anyways, sumama ka later para malaman mo kung ano 'yung sinasabi ko sa'yo. After class, ha?" Dagdag pa niya.

Hindi na ako nakasagot pa dahil mabilis itong umalis.

Hindi ko inaasahan iyon. Baka mamaya'y maghintay si Papa sa akin kung sakaling sasama ako rito kay France. Susunduin pa naman ako ni Papa.

~~~

Mabilis na natapos ang last subject namin. Inaayos ko ang gamit ko nang biglang sumulpot sa harapan ko si France.

"Ano, G?" Tanong nito.

Alangan akong ngumiti rito. "S-sorry. Susunduin kasi ako ng Papa ko."

Biglang lumungkot ang mukha nito. "Hay. Sayang naman. Well, sabay nalang tayong maglakad papuntang parking lot. Oks lang ba?" Tanong nito at tumango naman ako.

Sabay nga kaming naglakad ni France patungong parking lot ng school. Doon ay naabutan ko si Papa na nakatayo sa harap ng sasakyan nito at nakangiting kumakaway sa direksyon namin ni France.

The Boys of Barangay SantolanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon