CHAPTER NINETEEN

10.8K 190 48
                                    


Tapos na ang klase namin. Naghihintay nalang ako kay Papa sa Parking Lot. Ang sabi nito'y malelate lang siya ng kaunti sa pagsundo sa akin.

Dumadalas ang palagiang pagsundo sa akin ng late ni Papa. Iniisip ko nalang na kaya siya laging late ay dahil sa negosyo nito na siyang dinadahilan niya rin sa akin.

Mukhang hindi na rin naman naulit ang nangyari sa kanila ni France. O, magaling lang silang magtago kaya hirap akong mahuli sila?

Nakaupo ako nang biglang tumabi sa akin si France. Napatingin ako rito. Nakataas ang isa niyang kilay.

"Alam mo, wala pang gumanun sa akin dito sa school. Ikaw lang ang bukod tangi. And besides, I am your only friend here, except that you meet Enzo and his friends. At sa palagay ko, you're using them para lang umangat ka dito sa school at mapansin ng lahat." Sunod sunod na sabi nito.

Halata sa mukha ni France na galit na galit ito sa akin.

Parang baligtad ata. Dapat ako nga ang galit sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin. Iniputan niya ako sa ulo ng hindi ko alam.

Pinigilan ko ang sarili kong magsalita ng masakit kay France kahit pa lahat ng mga sinabi niya sa akin ay masasakit at walang katotohanan.

Hindi ako mapagtanim ng sama ng loob dahil ganun ako pinalaki ni Tita Rosa. Kaya hangga't maaari ay ayokong makipag-away kay France kahit pa ang laki ng galit na nararamdaman ko rito.

Inuunawa ko nalang siya dahil siya na rin naman ang nagsabi na lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. Gaya ng Papa ko.

"Bakit nagagalit ka sa akin? E, ikaw nga 'tong unang nang-apak sa pagkatao ko." Sabi ko rito.

Pinipigilan kong huwag sabihin ang totoong dahilan ng galit ko sa kanya dahil ayoko rin namang mapahiya ito.

Kahit na ganoon ang ginawa niya sa akin, inaalala ko parin ang pagkakaibigan naming dalawa.

Tinaas ni France ang kilay niya sa akin. "Bakit hindi ba totoo? You came from a poor family kaya natural lang na dumikit ka sa aming mayayaman." Sabi naman nito na sinamahan pa ng pekeng paghalakhak.

Gusto kong sampalin si France dahil sa mga sinasabi niya sa akin. Lahat ng iyon ay walang katotohanan.

Oo mahirap ako, pero hindi ako mukhang pera. Kahit kailanma'y hindi ako nanghingi ng pera kay Enzo o sa Papa ko. Wala naman silang obligasyon na bigyan ako.

Nilibre niya lang ako ng isang beses, akala mo'y utang na loob ko na sa kanya na pinakain niya ako sa starbucks.

Magsasalita pa sana ako nang bigla akong may maramdamang tumabi sa akin.

Napalingon ako at nabungaran ko si Enzo na seryoso ang mukhang nakatingin kay France.

"How dare you talk to Jinuel like that? Sino ka ba sa tingin mo? Not because your family owned this school, may karapatan ka nang mangmaliit ng mga tao rito? Remember, my family also have a share here. Kapag sinabi ko sa mga magulang mo kung anong mga katarantaduhan ang pinaggagawa mo rito, alam mong kaya ka nilang tanggalan ng mana. I'm close to your Dad, remember?" Sunod sunod na sabi ni Enzo kay France.

Hindi nakapagsalita si France. Bakas sa mukha nito ang takot sa mga sinabi ni Enzo sa kanya.

"I hate you both!" Iyon nalang ang nasabi ni France at padabog na umalis.

Tinuon ni Enzo ang tingin sa akin at inestima ang kabuuan ko.

"Okay ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan? Wala ba siyang ginawang masama sa'yo? Sabihin mo lang, uupakan ko 'yung bakla na 'yon." Sunod sunod na tanong nito.

The Boys of Barangay SantolanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon