CHAPTER EIGHT

11.5K 194 15
                                    


Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na kaharap ko na ngayon ang tunay kong ama. Kaninang umaga lang ay pinag-uusapan pa namin ni Tita Rosa ang tungkol sa kanya. Pero ngayon ay narito na siya sa harapan ko at yakap yakap ako.

Hindi ko malaman kung anong una kong magiging reaksyon. Kung matutuwa, maiiyak o magagalit ba ako sa kanya. Halo halo ang emosyon ko ngayon.

Mula pagkabata ko ay wala akong nakagisnang ama. Kaya hindi ko alam kung anong pakiramdam ang magkaroon nito.

Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at muling hinawakan ang pisngi ko. "I'm so happy that finally, I got to meet you." Sabi nito na may pangingilid ng luha. Hinawakan nito ang kamay ko. "I've contacted your Tita Rosa and I told her that I want to meet you. But I never imagined that I will meet you in this kind of situation." Dagdag pa nito na agad napalitan ng pagkakangiti ang mukha.

Napangiti rin ako sa sinabing iyon ng aking Ama. Kaya pala parang ang gaan ng loob ko rito kanina. Ngayon ay nagsi-sink in na sa utak ko na siya talaga ang Ama ko. Kitang kita ko ang mukha ko sa kanya.

Pareho kaming may mahabang pilik mata. May freckles rin ito sa pisngi gaya ng sa akin. Maging ang kulay ng mata nito ay kuhang kuha ko rin. Kagaya ko rin siya na maputi. Hindi mapagkakailang siya talaga ang Ama ko.

Hindi ko naiwasang yakapin ito. Nabigla man siya sa ginawa ko, pero kalauna'y niyakap niya rin ako ng pabalik.

Napaluha ako habang mahigpit paring nakayakap sa kanya. "P-pwede po bang kuhain niyo na ako? G-gusto ko na po kasi kayong makasama." Sabi ko rito.

Kumalas sa pagyayakapan namin ang aking Ama at tumingin sa akin. "We have to tell your Tita that we've finally meet. I have to sort some things first. I know that you've missed me so much, but your Tita will decide wether you will stay on me, or I'll get a visitor rights to visit you once in a while." Sagot nito.

Napayuko ako sa sinagot ng aking Ama. Para bang nalungkot ako. Akala ko'y tuluyan na akong makakalis sa poder nila Tito Hermes. Hindi ko na kasi kaya ang mga ginagawa nito sa akin. Pakiramdam ko ay ikamamatay ko ang pananatili ko roon. Hindi lang isang parausan ang tingin nito sa akin. Para niya na akong alipin na dapat sumunod sa mga gusto niya. Baka kapag hindi ko siya nasunod sa mga gusto niya'y buhay ko na ang maging kapalit.

Inangat ng aking Ama ang ulo ko kaya nagkatitigan kaming dalawa. Ngumiti ito sa akin bago nagsalita. "Whenever I see your face, it always reminds me of your mom."

Napabuntong hininga ako sa sinabing iyon ni Papa at nilayo ang tingin sa kanya. "Kaya ba lagi mo siyang binubogbog?" Malungkot kong tanong rito.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Papa at umusog ng kaunti sa kinauupuan ko. "That's why I tried to find you to make it up to her." Mabilis niyang sagot.

"P-pero bakit ngayon lang? Sana noong bata palang ako ay kinuha mo na ako para hindi ko naranasan ang maulila sa magulang." Sabi ko pa rito. Muling tumulo ang mga luha sa mata ko.

Hindi nagsalita si Papa. Niyakap lang ako nito ng mahigpit at hinimas himas ang ulo ko.

Nasa ganoon kaming sitwasyon nang biglang dumating si Tita Rosa. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa akin.

"Jinuel, anak. Ayos ka lang ba?" Natatarantang tanong nito sa akin habang ineestima ako.

Pinahid ko ang luha ko bago nagsalita. "A-ayos lang po ako." Sagot ko.

Hindi ko alam kung paanong nalaman ni Tita Rosa ang nangyari sa akin. Ayokong sabihin sa kanya ang totoong nangyari dahil baka hindi ako nito paniwalaan at magalit pa siya sa akin. Baka kapag nalaman niya ang totoong dahilan kung bakit ako nandito sa ospital ay baka kamuhian niya pa ako.

The Boys of Barangay SantolanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon