03:30AMBigla akong naalimpungatan. Para ba akong binabangungot ng masama. As in, sobrang samang panaginip.
Si Nanay daw, hinihila ng isang matangkad na lalaki. Nagdadalang tao ito. Para silang nag-aaway. Pinipilit siyang hubarin ang suot nitong damit. Puno ng pasa ang mga katawan ni Nanay. Sinasaktan siya ng matangkad na lalaki. Sinasabunutan, sinasampal. Halos bugbog sarado ang katawan ni Nanay.
Napaiyak tuloy ako habang naiisip ang masamang panaginip na iyon.
Sino kaya ang lalaking iyon? Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil malabo ito sa panaginip ko. Pero bakit niya sinasaktan si Nanay? Sino ba siya sa buhay ng Nanay ko?
Sa dami ng pumapasok sa isip ko, hindi ko na nagawang makabalik pa sa pagtulog. Kaya minabuti ko nalang na bumangon sa aking tulugan at magtungo sa kusina.
Nadatnan ko roon si Tita Rosa na nagluluto ng agahan.
"Tita, ang aga niyo naman po atang magising?" Tanong ko rito. Napalingon naman siya sa gawi ko.
"Gising ka na pala. Pupunta kasi ako ng Batangas ngayon. May raket ako roon. Mga dalawang linggo rin iyon. Kaya ikaw na munang bahala rito sa bahay pati na rin sa Tito Hermes mo." Sagot naman ni Tita Rosa. "Teka, bakit ang aga mong nagising?" Dagdag nito na patuloy parin sa pagluluto ng sinangag.
Naupo ako at nagpalumbaba habang pinagmamasdan si Tita Rosa na nagluluto. "Nanaginip po kasi ako. Ang sama po e. Si Nanay daw, pilit na pinaghuhubad ng isang matangkad na lalaki habang nagdadalang tao ito. Tapos, puno ng pasa ang katawan nito. Sino pa kaya ang lalaking iyon sa panaginip ko? Anong kinalaman niya kay Nanay?"
Biglang napahinto sa pagluluto si Tita Rosa. Matagal siyang tigagal bago naisipang humarap sa akin. Seryoso ang awra ng mukha nito habang titig na titig sa akin. "Dapat mo na sigurong malaman ang tungkol sa Ama mo." Sabi nito.
Nagsalubong ang dalawa kong kilay dahil sa sinabi ni Tita Rosa.
Ama? May kinalaman ba iyon sa panaginip ko?
Kahit kailan ay wala pa akong narinig patungkol sa tunay kong Ama. Maski ang Nanay ko ay hindi naikwento sa akin ang tungkol rito. Ang alam ko lang ay anak ako ng isang Amerikanong US Navy na dito nadestino sa Pilipinas. Pero bukod doon, hindi ko na alam ang iba pang tungkol sa katauhan ng tunay kong Ama.
Maski rin ang itsura nito ay hindi ko alam. Wala namang pinakitang picture noon sa akin si Nanay noong nabubuhay pa siya.
"T-tita, kilala mo po ang Tatay ko?" Tanong ko rito na may kuryosidad. Inusog ko ang upuan ko upang mapakinggan ang ano mang sasabihin ni Tita Rosa tungkol sa kanya.
Gusto ko rin kasi itong makilala. Mula pagkabata ko ay wala akong nakagisnang Ama. Parang ang sarap lang sa piling na magkaroon ng Ama. 'Yung magtatanggol sa'yo kapag nasasaktan ka. O 'di kaya'y tuturuan ka sa mga bagay na hindi mo alam. Si Tito Hermes na tumayong Ama ko ay iba naman ang tinuro sa akin. Baka kapag nakilala ko ang ama ko ay makumpleto na ako, kahit pa wala na si Nanay. Atleast, may tao paring parte ng buhay ko na nabubuhay.
"Ang ama mo ay isang US Navy na nadestino rito sa Pilipinas. Nagkakilala sila ng Nanay mo sa isang club na pinapasukan niya. Hindi naman na lingid sa kaalaman mo kung anong klaseng trabaho mayroon ang Nanay mo. Nagkaroon sila ng ugnayan at naisipang bumuo ng pamilya. Umalis sa poder ko ang Nanay mo, nangako raw kasi ang Tatay mo na pakakasalan siya nito. Dalawang taon ang nakalipas nang mabalitaan ko na naghiwalay na pala sila. Noong makita ko kayo ng Nanay mo, awang awa ako sa inyo. Sanggol ka pa noon." Huminto si Tita Rosa sa pagkekwento at napasinghap. Parang pinipigilan nito ang pagtulo ng luha niya.
Taimtim parin akong nakikinig sa kanya. "Doon ko rin nalaman na minamaltrato siya ng Tatay mo. At nalaman ko rin na matagal na pala itong may cancer. Nilihim niya sa akin iyon dahil ayaw niyang mag-alala ako. 'Yung Tatay mo naman, wala na akong nabalitaan sa kanya simula nang maghiwalay sila ng Nanay mo. Pero ang alam ko, nagbalik na ito sa US. Pero noong isang taon, may natanggap akong sulat mula rito. Sabi niya'y gusto ka niyang mabisita at makita."
BINABASA MO ANG
The Boys of Barangay Santolan
Non-FictionSa loob ng Barangay Santolan magsisimula ang kakaibang karanasan ng labinlimang taong gulang na si Jinuel. Sundan ang kanyang istorya at kung hanggang saan ang aabutin ng kanyang kapusukan sa mga kalalakihan ng Barangay Santolan. THE BOYS OF BARANGA...