CHAPTER TWENTY ONE

10.3K 177 32
                                    

NOTE:
Uunahan ko na kayo.
Itong chapter na 'to ay walang kinalaman sa chapter 20. Kaya 'wag na kayong magtaka. Magbasa nalang. HAHAHA. Enjoy. :)

---
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Enzo na patuloy sa paghila ng kamay ko.

Hingal na hingal na ako dahil kanina pa kami akyat ng akyat. Sira kasi ang elevator ng building ng condo nito at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mokong na ito.

"Pagod na ako." Hinihingal kong reklamo.

"Saglit nalang, babe. Malapit na tayo." Sagot naman nito na parang walang paki sa nararamdaman ko.

"Kanina pa 'yang sandali mo!" Reklamo ko ulit.

"Here we go!" Sabi nito nang makahinto kami sa malaking pinto na nasa harap namin.

Nagkatitigan kaming dalawa. Nakangiti ito sa akin habang ako naman ay magkasalubong ang kilay.

"Hinila mo 'ko rito para lang ipakita sa akin ang pinto na 'yan?"

"No! Hindi 'yan ang ipapakita ko sa'yo." Sagot nito. Lumakad ng kaunti si Enzo at binuksan ng malaki ang pinto.

Hindi ko napigilan ang mapanganga dahil sa nakita ko. Parang ang lahat ng pagod sa katawan ko'y nawala dahil sa magandang view na nakikita ko ngayon.

Sa gitna ng rooftop, may isang lamesa na naka-set up at dalawang upuan sa magkabilang dulo. Sa ibabaw naman ng lamesa ay may dalawang kandila at merong dalawang plato. Mayroon ring bulaklak. Sa paligid naman ay mga nakasabit na mga christmas lights. Mayroon ring dalawang tao sa gilid. Ang isa ay may hawak ng gitara at ang isa naman ay may hawak na mic.

Hindi ko maintindihan kung ano ang mga nangyayari. Nakakita na rin ako ng ganitong klaseng set up pero sa mga pelikula ko lang iyon nakikita.

Anong ibig sabihin nito? Magde-date ba kami ni Enzo?

"This is my surprise for you." Napatingin ako kay Enzo. Malapad ang pagkakangiti nito. Ako naman ay nakanganga parin at hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

"B-bakit?" Iyon nalang ang natanong ko sa kanya.

"Wala. Gusto ko lang na pasayahin ka. Bawal ba?"

Umiling ako. "H-hindi naman. Hindi ko lang inaasahan na gagawin mo 'to sa akin."

"Bakit? Dahil hindi ka babae? Deserve mo rin ang ganitong klaseng date, babe. And to be honest, sa'yo ko lang ito nagawa." Sagot naman nito.

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Sa akin lang?"

Tumango ito. "Siguro dahil sobrang inlove ako sa'yo."

Inalalayan ako ni Enzo papunta sa naka-set up na lamesa. Pinag-urong pa ako nito ng upuan. Nang makaupo na ito ay may biglang sumulpot na lakaki. Nag-serve ito ng pagkain sa pinggan naming dalawa. Naglagay rin ito ng juice sa baso.

Tinaas ni Enzo ang baso niya. "Let's toast." Sabi nito. Ginaya ko rin naman ang ginawa nito.

Hindi parin ako makapaniwala na kayang gawin ito ni Enzo sa akin. Akala ko kasi'y mga babae lang ang makakaranas ng ganitong klaseng date. Ni sa hinuha ay hindi ko naisip na magagawa niya ito o makakaranas ako ng ganitong klaseng pagmamahal.

Sa kabila ng pagtataksil ko sa kanya, nagawa niya parin ito. Paano kung malaman niya ang totoo? Mahalin parin kaya niya ako?

"Kain na tayo." Masayang sabi ni Enzo sa akin.

Nakatitig lang ako rito habang masaya niyang nginunguya ang kanyang kinakain. Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Nangangati ang dila ko na sabihin na kay Enzo ang totoo.

The Boys of Barangay SantolanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon