"Kamusta ka, Jinuel?" Nakangiting bati sa akin ni Sarge Edward.Hindi ako sumagot rito. Bagkus, niyakap ko siya ng mahigpit dahil sa sobra kong pagkamiss sa kanya. Parang noong lamay pa ni Kuya Lexus ang huling pagkikita naming dalawa. At saka noong niregaluhan niya ako ng bagong cellphone.
"Mukhang namiss mo ako, ah?" Sabi ni Sarge Edward habang hinahaplos ang buhok ko.
"O-opo, Sarge. Nagbalik na po kasi ang Papa ko kaya kinuha niya na ako." Sagot ko.
Kumalas sa pagkakayakap sa'kin si Sarge Edward at humarap sa akin. "Mabait naman ba ang Papa mo sa'yo?" Tanong nito. Nakangiti naman akong tumango. "Ganun ba? Sayang, ito na pala ang huling araw na makikita kita." Sunod na sabi nito.
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Sarge. "Ha? Bakit naman po?"
Huminga ng malalim si Sarge habang nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng suot niyang pantalon. "E, sabi mo kasi kinuha ka na ng Papa mo. E 'di, hindi ka na madalas na makakapunta rito." Sagot niya na parang lumungkot ang boses.
"Hindi naman po, Sarge. Sinabi naman po ng Papa ko na pwede akong bumisita rito sa Barangay Santolan kung kailan ko gusto." Paniniguro ko rito.
Napangiti si Sarge Edward sa sinabi ko. "Talaga? Mabuti naman pala. Nga pala, nandyan ba ang Tita Rosa mo? May tatanong kasi ako sa kanya tungkol kay Hermes."
"Nako. Kakaalis lang po, Sarge. Nagpunta ng palengke. Kung gusto niyo po, hintayin niyo nalang sa taas." Suhestiyon ko.
"Pwede ba?" Tanong nito na tinanguan ko naman.
Pagpasok sa loob ay agad kong pinaupo si Sarge Edward sa sofa habang kumuha naman ako ng tubig na maiinom niya.
"Inom po muna kayo." Inabot ko kay Sarge Edward ang baso na may tubig.
Malugod naman niya iyong tinanggap pero matagal niyang hinawakan ang kamay ko habang malagkit ang pagkakatitig sa akin.
"S-sarge, 'yung kamay ko po." Sabi ko rito habang hinihila ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Ay! Sorry." Paumanhin nito at bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko.
Nginitian ko ito at tumabi sa kanya sa sofa. Inubos muna ni Sarge Edward ang tubig bago nagsalita.
"Alam mo bang pinaghahanap ng mga Pulis ang Tito Hermes?" Panimula nito.
Napalingon ako kay Sarge Edward dahil sa sinabi nito. "P-po?"
Hinawakan ni Sarge Edward ang braso ko at seryosong tumingin sa akin. "Sangkot siya sa ilegal na droga, Jinuel. At hindi pwedeng mahuli ang Tito mo dahil pwede niya akong ikanta." Pagpapatuloy nito.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Tila ba natigagal ako at hindi alam ang sasabihin.
Alam ko naman na matagal nang gumagamit ng pinagbabawal na gamot si Tito Hermes. Pero hindi ko akalain na pati itong Sarge Edward ay gumagamit rin.
"Natatandaan mo ba 'yung bahay na pinagdalhan ko sa'yo noon?" Tanong nito. Tumango naman ako. "Ni-raid iyon ng mga kabaro ko. Maraming nakitang mga parapernalya na hinihinalang ginamit sa mga ipinagbabawal na gamot. May mga nakita ring gamit ng Tito mo roon kaya siya ay nasa watch list na."
"P-pero, ano naman pong kinalaman ko roon?" Natatakot kong tanong sa kanya.
Sa totoo lang ay wala naman akong pakialam kung mag-jamming man sila. Labas na ako sa mga pansarili nilang pangangailangan.
"Protektor ako ng Tito mo sa mga ilegal na gawain niya. Mali lang na sinuportahan ko ang Tito mo. Dahil kapag nahuli siya, pwede rin akong madamay. Kaya hinihiling ko sa'yo na kung sakaling may magtanong sa'yong mga Pulis, sabihin mong hindi mo alam kung nasaan siya." Sabi pa ni Sarge.
BINABASA MO ANG
The Boys of Barangay Santolan
Non-FictionSa loob ng Barangay Santolan magsisimula ang kakaibang karanasan ng labinlimang taong gulang na si Jinuel. Sundan ang kanyang istorya at kung hanggang saan ang aabutin ng kanyang kapusukan sa mga kalalakihan ng Barangay Santolan. THE BOYS OF BARANGA...