"Lahat ng mga tagasilbi ni sir Alexander ay may kaniya-kaniyang kubo liban na lang kung mag pamilya silang naninilbihan sa hacienda. Halimbawa, eto si Theresa kasama niya ang nanay at tatay niya. Sa mga prutas nagtatrabaho ang mga magulang niya kaya meron silang isang kubo na medyo malaki kesa sa kubo na meron ka. Kasi isa ka lang naman diba?" Saad ni Jasmine. Napatango-tango ako. Naglalakad kami patungo sa kubo ko daw.
Habang naglalakad kami ay may nakikita akong mga batang nasa pinto ng kubo nila. I tried to smile at most of them but I received no smile. Sa mga ina na nga lang ako ngumiti.
Nakalagpas kami sa halos ilang kubo, iba-iba ang size may single size kubo at family size kubo.
"Eto ang kubo mo Avery." Ani Jasmine at ibinigay saakin ang susi.
"Medyo magkalapit lang ang kubo niyo ni Theresa, dalawang kubo mula dito ay kanila na." Sabay turo ni Jasmine sa unahan. Tumango ako at dali-daling binuksan ang kubo ko.
Kawayan ang kubo, halos lahat ng bumubuo sa kubo ay kawayan. Pati sahig kawayan.
Hinila ko ang luggage ko sa loob.
"Maraming salamat sa paghatid niyo saakin, Jasmine, Theresa." Ngiti kong pasasalamat, umismid lang si There habang si Jasmine ay tumango-tango lamang.
"Pagkatapos mo dito ay pumunta ka sa hacienda. Tutulong ka saamin sa paghahanda ng hapunan." Tumango ako.
"Oo nga pala Avery, mahalagang malaman mo na halos ang mga babaeng may anak dito malayang nakakauwi ng alas sais ng gabi para siyempre makapagluto na ng hapunan nila lalo na iyong mga nagsisilbi sa hacienda. Ang mga nasa prutasan ay alas kwarto ng hapon nakakauwi na. Liban na lang kung may kailangan talagang tapusin. O siya, aalis na kami Avery. Mamaya, si Theresa ang magtuturo sa'yo ng mga gagawin." I just nodded and smile. Napalunok naman ako ng mapagtantong si Theresa pala ang magiging tutor ko.
I wave them good by when they start walking back to hacienda.
Isinarado ko ang kubo at huminga ng malalim. I can't believe this is how rich Xander is now. Noon naman, halos hindi kami lumbas dahil he don't have much money but I understand that side of him, we are still young and studying and I am not that kind of girlfriend that asks for more what his boyfriend can provide. Tapos ngayon, Xander has everything. Everything.
Ang living room ng kubo ay sobrang liit. It has one chair maid of kubo na mataas at isang lamesita. Dalawang parte ang kubo. Sala at isa pa sa kusina, sa right side ng kusina may pinto na alam kong kwarto. Maliit lang ang kitchen at sa unahan nito may isa pang pinto na for sure comfort room. Hinila ko ang luggage ko at binuksan ang kwarto.
It's small.
Iyon ang unang tumatak sa isipan ko. It as ceiling fan. May kama na gawa sa kawayan at hindi pa nabubuksan na banig. I breathe in.
I...I don't think I can sleep well tonight then. I used to sleep in a comfy soft bed. Napailing nalang ako. Alright, Avery you're a maid here.
After I have put my clothes at the hanging open closet up inside my head when I sleep. Pumunta ako ng kusina at naglista ng mga kailangang gamit. As soon as I'll have a rest day bibili ako sa palengke. I went back inside my room and change for clothes. Simple jeans and white shirt like how Jasmine and Theresa wears. Agad akong lumabas sa kubo ng matapos ako at sinuksok ang susi saaking bulsa.
"Tapos ko nang linisin ang kwarto ni sir Alexander!" Ani Jasmine na kararating lang sa kusina. Nakakalula ang hacienda ni Xander, it has three floors and the intenior design is just...I can't believe!
Nandito ako sa kusina at tinutulungan si manang Felicia sa pagluluto. Honestly hindi ko alam kung paano magluto but manang is fine with it. Ni hindi ko nga alam kung bakit hindi sila nagtatakang halos di ako marunong sa gawaing bahay.
"Avery, hintayin mo nalang ang mga utos ni Theresa ha? Lalo na bukas, siya kasi ang nakaassign sa paglilinis dito sa loob ng hacienda, ako sa pagluluto at si Jasmine sa mga kwartong gagamitin o papalinisin pati na paglalaba sa mga damit."
Nakita kong tumutulong na si Jasmine. Hinugasan niya ang mga nagamit namin ni manang na mga utensils at plato.
"E manang ilan ho ba ang amo natin dito? I mean, sino po ang nakatira dito?" Curious kong tanong.
"Si Xander, Anastasia at Angelina."
"Sila ang amo natin dito, pero ang may-ari ng hacienda ay si Xander. Sadyang gustong-gusto lang ni Anastasia dito at payag naman si Xander na dito siya nakatira. Habang si Angeline ay kaibigan ni Anastasia, kasosyo din ng mga magulang ni Anastasia ang mga magulang nito kaya close talaga sila." Saad ni manang habang tinitimplahan ang sabaw na karneng manok. Napalunok ako. Kung ganoon, close nga talaga si Anastasia at Xander?
Hindi ko alam pero nakakapagselos naman. Matapos niya akong angkinin. Matapos...matapos niya akong i seduce ng gabing 'yon!
Oh come on Avery, ano bang gusto mo mangyari pagkatapos? Na habulin ka ni Xander at sabihin ang mga salitang nagpatibag ng pader mo ng gabing 'yon? Na mahal ka niya?
I shook my head. My feeling for him doesn't matter now. I came here to be his maid and I came here to get the title. After my job is I'm going to marry Kendric the nerd. Kaya mas mabuting isantabi na lang ang feelings ko.
Isa pa, I don't think Xander still love me or likes me. He doesn't care to me at all. Pati ang mga tingin nito di kagaya noon, ibang-iba na. Hindi na niya ako mahal.
"Aray!" Hindi ko alam pero ang tanga ko na hindi ko naisip na mainit ang kaldero! I just hold it without a pot holder!
"Naku Avery! Sobrang init niyan!" Sigaw ni manang at hinawi ako. Siya na lang ang nagbukas ng kaldero at kumuha na ng ulam. Siguro'y magsisimula na ang paglalagay ng pagkain sa hapag. They'll having their dinner.
I looked at my hands. It's red. Lalo't mainit talaga ang nahawakan ko. It's kinda painful but yeah truth that maybe Xander and Anastasia has a relationship pains me more.
BINABASA MO ANG
BACHELOR'S MAID: Revenge of a Billionaire ✓
RomanceBACHELOR'S MAID p r e s e n t s Revenge of a Billionaire. R-18 A LOVE BEFORE REVENGE. A LOVE AFTER REVENGE. Strictly for matured readers only.