May manipis na linya sa pagitan ng unconditional love at katangahan. Sa loob ng dalawang taong pagiging assistant ni Charlene kay Art Mendez, isang sikat na film director, buo ang paniwala niya na unconditional love ang nagtutulak sa kanya na gawin ang lahat para sa binata. Mula sa pagre-resign sa dati niyang trabaho para maging assistant ni Art, hanggang sa pagiging punong abala sa preparasyon ng kasal nito. Bale-wala sa kanya kahit sa tingin ng iba, pagpapakatanga ang ginagawa niya. Hanggang isang aksidente ang naging dahilan para hindi matuloy ang kasal ni Art. lyon din ang naging dahilan kaya nagkalapit si Charlene at ang binata. Ipinangako niya na hindi ito iiwan hanggang sa maka-recover. Unti-unti ay nakita niya ang recovery ni Art. Unti-unti rin ay naging higit pa sa dati ang relasyon nila. When he kissed her, she felt like her feelings would finally be reciprocated. Nagkaroon siya ng pag-asa. Na agad ding gumuho dahil bumalik ang babaeng tunay na mahal ni Art.