Mahirap kalimutan yung taong dahilan ng lahat ng bagay sayo. Mahirap balewalain yung taong halos mas mahalaga pa sa buhay mo. Mahirap magsimula ng bagong buhay lalo na kung naka settle kana sa mga pangarap niyo, and yet, mawawalang saysay din pala. Bakit ganun? May mga taong ipaparamdam sayo na mahalaga ka, na mahal na mahal ka, na ikaw ang lahat sa kanila, pero dahil sa isang pagsubok na hindi pa naman nangyayari, susukuan kana. Iiwan kana. Nasaan na yung mga pangako mo? Yung mga pangarap mo para sa atin? Sana makalimutan na kita.