Mil and Shantal

15 0 0
                                    

Jake's POV

Once a week lang magload si Potch. Nakakalungkot. Kahit pa may proxy siya na si Shantal.

Habang wala si Potch, naging close kami lalo ni Shantal at ni Mil. Kung maaalala niyo, sila yung dalawang bago na sumali sa clan.

Mabait si Mil, siya yung working student.

Si Shantal naman yung outcast sa pamilya na proxy ni Eunice.

Na search ko na lahat ng mga member ng clan. Syempre unang una si Potch.

Iba ang itsura niya kumpara sa boses niya. But still, i found her attractive.

Mukha kasi siyang Grade 6 though 3rd year na siya. In short, mukha siyang bata. Baby face daw, sabi niya. Hahaha!

Si Shantal naman, mukhang sophisticated, morena at matangkad. Kung wala lang si Potch, baka siya na niligawan ko.

Si Mil naman, maputi na medyo chubby. Cute din naman siya at maalaga, pero the best parin si Potch ee.

Nasa library ako, pinaglilinis ni mam Angeles. Ewan ko kung student librarian ba ako, o student janitor. Ewan ko lang talaga.

Pero in fairness, airconditioned naman ang buong library. May 8 electicfan pa. Kabag ang labas namin kapag dito nagroroom tuwing Values. Aircon na kasi, may electricfan pa. Saan ka pa??

Biglang magtext si Mil at Shantal. Kaso wrong timing kasi busy ako. Buto sana kung si Potch sila, i'll make time pa. May favoritism daw ba? Hahaha!

Nang matapoa ako maglinis, saka palang ako nakapag reply sa kanila.

Si Mil, naghahanap lang ng kausap. Si Shantal naman, naghahanap ng lambing.

Hay Ewan!

Hindi na din nagreply si Mil, busy kasi siya pag umaga. Si Shantal nalang ang katext ko.

"Musta na Shantal? Nasa school ka ba ngayon?" text ko sa kanya habang nagpapalamig sa tapat ng aircon.

"Okay naman. Namiss kita EmoJake. Ang tagal mo magreply ee. Nasa school ako, kaso walang teacher."

Hala? Parang GF mag react ah. Malamang busy ako.

"Ahh .. Pasensya na. Busy kasi ako. Nasa library."

"Ah .. Sipag naman. Nakapag confess kana ba kay Eunice?" usisa niya.

"Hindi pa ee. Baka pag nagpaload siya next week, sabihin ko na."

"Ah .. Okay. Paano kapag she rejected you?"

"Hmm .. Ee di move on. Hahaha!"

Napaisip ako sa tanong niya. Oo nga naman. What if Eunice rejected me? Aalis ako sa clan. Yun ang naisip ko para maka Move On.

Wagas no? Move on agad? Kahit hindi pa nagiging kami.

"Kung gusto mo, tayo nalang EmoJake ee. Kapag ayaw niya sayo. Hahaha!"

Kami nalang? Pero si Eunice ang mahal ko. Siya ang gusto ko. Pero pwede rin naman na maging kami ni Shantal. Mabait naman siya ee. Pero kung hindi ako ireject ni Potch, ee di Wow! Hahaha!

"Huh? Sure ka Shantal?"

"Oo naman. Yun ay kung okay lang sayo."

"Uhm .. Kapag ni reject niya ako. Kapag hindi, i'm sorry."

"I know, it's fine with me. Don't worry."

Hindi ko alam kung bakit siya nagpropose ng ganun. Alam naman niyang si Eunice ang gusto ko. Ang mahal ko. Siguro dahil naghahanap siya ng pagmamahal. Kaya siguro ganun nalang siya ka desperate.

Story of Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon