Jake's POV
Nasa room lang kaming lahat. Nag aantay na tawagin para magpractice ng graduation march. Mga alas kwatro na ng hapon yun. Maya maya, magsisimula na ang practice.
Ngayon ko balak makipaghiwalay kay Mil. Sana lang kayanin ko.
"Hi mhine! Nagpapractice na kayo?" text niya sakin.
"Hindi pa mhine ee. Ikaw, busy ka?"
"Hindi na. Pauwi na ako mhine ee. Maaga natapos ang work ko. Masosolo na kita. Hahaha! I love you."
Lalo akong nahihirapan na makipagbreak. Kahit pa sabihing hindi ko siya ganun kamahal, sa loob naman ng dalawamg linggo, pinaramdam naman niyang mahalaga ako at mahal niya ako. Hindi ko kaya na basta nalang saktan ang damdamin niya. Pero kailangan kong magpakatotoo, hindi lang para sa akin, kundi para sa kanya na din yun. Haaaaay ..
"Ah .. Buti naman maaga kang makakapagpahinga."
"Mhine .. Gusto na kita makasama .. Gusto na kitang makita .." lambing niya sakin.
"Ganun? Ee malayo ka. Paano yun?"
"Ee di magset tayo ng lugar, yung parehong malapit sa atin, like Cubao. Sige na mhine .. Excited na akong makasama ka .."
Paano ba ako bubwelo nito? Ee naglalambing pa siya? Nahihirapan na ako.Tsk
"Hmm .. Mhine .. May sasabihin ako .."
"Ano yun mhine? Siguro love mo na din ako no? Hahaha! Di ka pa kasi nag i love you simula ng maging tayo ee. Naisip ko nga, baka gusto mo lang akong isurprise. Excited na akong makita ka mhine! Pag nagkita tayo, yayakapin kita ng mahigpit ha. Tsaka ikikiss ng matagal. Pwede na ba akong humalik sa lips? Hahaha! Joke lang mhine."
Hindi pa nga ako nag i love you since naging kami. Ako kasi yung tao na nagsasabi lang ng i love you sa taong mahal ko talaga.
"Mil .. Gusto ko ng makipaghiwalay." reply ko.
Matagal siya bago nagreply. Nag aalala ako. Nakukonsensya. Nalulungkot at Nasasaktan. Hindi ko gusto yun. Alam ko kasalanan ko. Ako ang nagsimula ng lahat. Kaya dapat ako din ang tatapos. Sana mapatawad ako ni Mil.
"Bakit mhine?? :""(( anong mali ko? Anong kulang ko? Nakukulangan ka ba sa oras? Sa atensyon? Sa pagmamahal at pag aalaga? Sabihin mo na naman kung anong problema mo sakin bakit ka nakikipaghiwalay?"
"Alam mo naman noon pa diba? Kung sino ang mahal ko. Ayoko na pahirapan ka pa. May iba pa na mas deserve sayo kesa sakin."
"Okay naman na yun ee. Kaya ko namang maghintay kung kelan mo ako matututunan mong mahalin. Please naman mhine. Wag mo naman akong hiwalayan :"(( "
"Mil, kung hindi ngayon, kelan pa? Hindi ko gustong masaktan ka."
"Ayoko. Hindi na ganun lang yun. Sabihin mo, mahal ka na din ba ni Eunice?"
Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung mahal din ako ni Eunice. But still, i'll take the risk. Now or never. Basta alam ko, dapat kong gawin ang sa tingin ko ay tama.
Hindi ko pwedeng ipagpatuloy ang relasyon namin ni Mil kung alam ko namang hindi ko siya talaga mahal.
"Ang sabi niya, gusto niya ako. Patunayan ko na mahal ko siya."
"So hindi ka sigurado? Tapos isasakripisyo mo ako ng walang kasiguraduhan?"
"Hindi naman dahil lang dun. Dahil din yun sa hindi kita magawang mahalin. Kung mahal mo akong talaga, palayain mo na ako Mil. Please .. "
"Sige. Kung dyan ka masaya. Sana hindi mo pagsisihan ang desisyon mo."
"I'm sorry Mil. Salamat sa lahat."
Hindi na siya nagreply. Alam ko nasaktan ko siya. Ewan ko ba. Bakit ganun?
Dalawang linggo lang yun, pero bakit nahihirapan na akong magpaalam kay Mil? Siguro dahil naging mahalaga na siya sakin. Kahit papano, may pagmamahal na din ako sa kanya, kaso mas matimbang parin talaga si Eunice ee. Sana nga hindi ko pagsisihan ang desisyon ko.
Nagtext ako kay Eunice. Sinabi ko na break na kami ni Mil. Hindi pa siya agad nagreply. Siguro busy pa sa school.
Tinawag na ang section namin para magpractice. Haaaay .. Nakakapagod na araw. Sana worth it lahat ng sakripisyo. Sana lahat, may patunguhan. Sana sa huli, wala akong pagsisihan.
--
I know i'm rude. I'm stupid. Very drastic to Mil. Mil is a good catch. But, I just do what I think was right that time. Hindi naman ako nagsisi sa naging desisyon ko ee :)Please don't forget to Vote ang leave some comments :)
#TorpengPogi X(
BINABASA MO ANG
Story of Our Love
RomanceMahirap kalimutan yung taong dahilan ng lahat ng bagay sayo. Mahirap balewalain yung taong halos mas mahalaga pa sa buhay mo. Mahirap magsimula ng bagong buhay lalo na kung naka settle kana sa mga pangarap niyo, and yet, mawawalang saysay din pala. ...