Jake's POV
Pagkatapos kong magGm na kami na nga ni Mil, nagtext agad si Eunice sakin.
"Naiiyak ako Potch." text niya.
Bakit naman kaya? Dahil ba kami na ni Mil? O baka ibang dahilan? Ewan.Hays! Imposible naman na ako ang dahilan. Ayoko mag assume, pero parang ganun na nga ang ginagawa ko.
"Bakit naman?"
"Wala naman. Dahil yun sa crush ko."
"Ah .. Si Albert?"
Naalala ko yung binanggit niya noon na crush niya. Albet ang pangalan. K.Fine. Iniiyakan agad ang crush? Wow ah. Sabagay, iniyakan ko din naman siya. Kaso di ko naman siya crush. MAHAL KO SIYA!
"Oo Potch. Si Albert." reply niya.
I knew it. Bakit pa kasi ako nagtanong? Obvious naman ee. Maybe, i'm really a masochist. Haaaay ..
"Wag kana umiyak. Mapapansin ka din nun." pang aalo ko kahit pa kabaliktaran naman talaga ang gusto kong mangyari.
"Hindi yan. May iba na siyang mahal ee."
Akin ka nalang kasi. Pangako, wala kang magiging kahati. Hindi na ako magmamahal ng iba. Kaso hindi naman ako ang mahal mo. Hays.
"Hanap ka nalang ng iba Potch. Madami naman diyan ee."
"Hindi pa nga pwede ee. Kasi magagalit si mama."
Oo nga pala. Bawal pa. Sana kasi pwede nalang. Mahirap kasi kalabanin ang magulang. Wala akong laban.
"Darating din yung para sayo. Hintayin mo lang Potch."
"Sana nga. Natatakot kasi ako ee. Baka lokohin lang ako."
Hindi lahat! Ako. Kaya kitang mahalin ng hindi niloloko. Basta mahalin mo lang ako, hindi ka magsisisi.
"Hindi naman lahat ee. Meron naman diyan na hindi ka lolokohin."
"Meron nga siguro, kaso bihira lang."
Nandito naman kasi ako! Kung ako nalang sana. Your searching is over. You don't have to wait for so long. 'coz i'll never let you walk out in my life if you ever let me in.
"Sabagay. Pero may nakalaan yan na para sayo."
"Sana nga Potch."
Ako kasi yung nakalaan sayo. Idilat mo lang ang mga mata mo. Ikaw lang ang mamahalin ko. Kahit kami ni Mil, ikaw parin ang mahal ko. Alam ko, sayo lang ako magiging masaya at hindi sa piling ng iba.
Natapos ang usapan namin ni Eunice. Past 9:30 pm na nun. Kailangan ko ng matulog. Tulog na si Mil kanina pa. May pasok kasi siya.
I admit. Mas masaya ako pagkausap si Eunice.
Mas buo ang araw ko kapag masaya kaming nag uusap. Kesa kapag kami ni Mil. I can't feel a spark between the two of us. I only feel it between me and Eunice. But sad to say, baka ako lang nakakaramdam nun. Baka di nakikita ni Eunice yun.
As usual, matamlay na naman akong pumasok ng school. Pasahan lang naman ng mga requirements ee. Para wala ng kulang. Mga workbooks at mga projects na hindi pa naipapasa.
Kompleto naman na ako sa lahat ee. Magkatext kami ni Mil, kaso nakakatamad. Hindi ako masigla kapag katext siya. Ewan ko ba. Nabobored ako.
Bigla namang nagtext si Shantal. Nagpaload na pala siya. Baka nagtaka siya na naging kami ni Mil.
"EmoJake, bakit naging kayo ni Mil? Di ba sabi ko, kapag ni reject ka ni Eunice, tayo nalang?" text niya.
Sabi na nga ba ee. Haaay ..
Buti pa sila Mil at Shantal, interesado sakin. Yung taong mahal ko? Unfortunately NOT. Ang saklap.
"Oo nga. Kaso wala ka kasi ee. Si Mil yung nandun kaya ayun. Naging kami."
"Ganun. Pwede namang maging tayo ee."
"Huh? Ee kami na ni Mil."
"So? Pwede naman ang timer diba? Tutal, sa clan lang naman. Tsaka malay mo, ako ang mapalimot sayo kay Eunice. Alam ko kasi, busy si Mil ee. Kaya di ka maalagaan nun."
Payag siya na magtimer ako? Ngayon lang ako nakakilala ng taong pumapayag ng ganun ee.
Dala na rin siguro ng pagkabagot ko sa amin ni Mil, pumayag na din ako. Para may reserba.
Oo na. Masama na ako. Manloloko. Hindi alam ni Mil na ginawa ko yun. Si Shantal lang.
Pero kahit na dalawa pa sila, hindi parin ako masaya.
Isa parin ang gusto ng puso ko, isa parin ang hinahanap.
Ganun nga ang nangyari. Kapag wala si Mil, si Shantal. Kapag wala naman si Shantal, si Mil.
--
Masama ako sa chapter na 'to :(
Ewan ko ba kung bakit ko nagawa yun. Siguro, kung si Eunice lang sana ang girlfriend ko nun, di ko yun magawa. Haaaay ..
Pero Past is Past :)
Hindi ko na uulitin yun ;)Please don't forget to Vote and leave some comment :)
#TorpengPogi X(
BINABASA MO ANG
Story of Our Love
RomanceMahirap kalimutan yung taong dahilan ng lahat ng bagay sayo. Mahirap balewalain yung taong halos mas mahalaga pa sa buhay mo. Mahirap magsimula ng bagong buhay lalo na kung naka settle kana sa mga pangarap niyo, and yet, mawawalang saysay din pala. ...