Jake's POV
Busy kami sa tindahan. Medyo madami kasing bumibili. Maya maya may tumawag sa phone ko. Di ko kilala kung sino. Di ko muna inintindi dahil nga busy ako sa pagtitinda.
Nang humupa na ang mga tao, at naayos ko na ang labas ng tindahan, naisipan ko ng pumasok sa loob para ayusin naman ang mga pinamili ni tita.
May tumawag ulit sa cellphone ko, yun parin ang number ng tumawag kanina. Naupo muna ako at sinagot na ang tumatawag.
"Hello? Sino to?" taka kong tanong.
"Naaalala mo pa ako?" sagot ng babae sa kabilang linya.
My world suddenly stop, could i ever forgot that voice?
Ang boses na nagpaparamdam sa akin noon ng sobrang takot at awa sa sarili? Ang boses na ni minsan hindi naging malambing sa akin? Ang boses ng taong ibinaon ko na sa nakaraan at ngayon, bumabalik? Hinding hindi ko yun makakalimutan.
"Naaalala pa kita, Nay." sagot ko.
Ang weird banggitin ng salitang Nay. Ilang taon na nga ba akong walang tinawatag na ganun? 6 na taon na nga pala. Pero hindi ko naramdaman kahit minsan sa buong buhay ko ang kahulugan ng salitang yun. Ano nga ba ang isang Nanay? Ano bang halaga niya sa pamilya?
"Buti naaalala mo pa ako anak." masaya niyang sabi.
Anak? Wow. Sigurado ako, hindi niya rin alam ang kahulugan ng Anak. Para lang isang normal na pantawag ang Nanay at Anak sa pamilya namin. Pero ang tunay na kahulugan nun, pare pareho naming hindi alam.
"Makakalimutan ba naman kita?" malamig kong sagot.
"Kamusta na ang mga kapatid mo?" pag iiba niya.
Kinamusta mo pa sila? Para malaman mo, hindi kana nila kilala. Ako lang ang hindi ka makalimutan. Hindi kita makalimutan kasi hindi pa ako nakakapagpasalamat sa pang iiwan mo sa amin. Gumanda ang buhay namin ng mawala ka. Bakit? Kasi wala ng malupit at walang pusong ina na magpapahirap sa amin.
"Okay naman sila."
"Ikaw? Kumusta na?"
"Mabuting mabuti ako."
"Anak, pwede ba tayong magkita? Nasa may Quezon Ave. lang ako nagtatrabaho."
Nasa malapit ka lang pala? Ngayon mo lang naisipan na magparamdam? Ngayon pa na hindi kana namin kailangan?
"Sige nay. Bukas tayo magkita."
"Sige anak. Ingat ka palagi."
Binaba ko na ang phone. Nawalan ako ng lakas. Sobra akong nanghina. Bakit pa siya nagparamdam? Pagkatapos niya kaming ipagpalit sa ibang lalaki, may lakas ng loob pa siyang magparamdam sa amin? Kung iniisip niyang may babalikan pa siya, nagkakamali siya.
"Sino yung tumawag sayo Jake?" tanong ni tita habang nag aayos sa labas.
Nilingon ko si tita. Napangiti ako sa kanya. Napakaswerte ko parin. May kagaya niya na nagmahal at kumupkop sa akin. Siya ang tumayong nanay at tatay sa akin simula grade 5 ako.
"Si nanay po. Tumawag siya." sagot ko.
Natigilan siya at napatingin sa akin. Halata na dismayado siya. Lahat ng mga kapatid ni tatay, galit sa nanay ko.
Pero may mga contact pa ako sa kapatid ni nanay pati kila lolo at lola. Kaya sigurado akong sa kanila kumuha ng contact si nanay.
"Ano daw sabi ng magaling mong Ina?"
"Makikipagkita daw po siya bukas .."
"Nasaan na ba yang nanay mo?"
"Nasa Quezon Ave. daw siya nagtatrabaho."
"Nasa malapit lang pala ee. Bakit hindi kayo nagawang bisitahin?"
"Hindi ko po alam."
Natahimik nalang kami ni tita. Kahit ano pa ang dahilan niya, hindi na yun mahalaga. Matagal na siyang nawala. Hindi na mabubura lahat. Ang mga kaglupitan niya at pang iiwan sa amin.
Sa lahat ng nakilala kong Ina, pinaka naiiba siya.
Kaya niyang iparamdam na wala kang halaga sa kanya. Hindi niya man lang ipinaramdam sa amin na mahal niya kami. Para sa kanya, perwisyo lang kami. Pabigat at alagain sa kanya. Kaya niya nga kami iniwan kasi hindi kami mahalaga. Kahit man lang kamustahin, hindi niya nagawa. Ano naman kaya ang sadya niya bakit pa siya bumalik?
--
Napaka emotional ko sa chapter na to :(
Haaay .. Naaalala ko na naman kasi ang darkest side ng buhay ko :/
Pero may mga brightest side din naman ;))
Nasingit ko lang tong chapter dahil may part to about sa story.Don't forget to Vote and leave some comment :))
#TorpengPogi X(
BINABASA MO ANG
Story of Our Love
RomanceMahirap kalimutan yung taong dahilan ng lahat ng bagay sayo. Mahirap balewalain yung taong halos mas mahalaga pa sa buhay mo. Mahirap magsimula ng bagong buhay lalo na kung naka settle kana sa mga pangarap niyo, and yet, mawawalang saysay din pala. ...