Her Voice

45 0 0
                                    

Jake's POV

Excited na ako!

Hindi sa EP subject namin, hindi sa Vacant o sa nalalapit na graduation.

Kundi dahil makakausap ko na si Eunice!

Nasa library kami nun. Dun kasi ang room namin kapag EP or Values subject. Librarian kasi ang teacher namin dun kaya ayun, dun kami pinagru.room.

Maaga pa naman ee. Kaya okay lang mag ingay kami sa library. Close naman kasi ito sa ibang mga students ee, kapag oras na nandun na kami. As usual, katabi ko na naman si Jane.

Busy siya sa mga katextmate niya sa clan. Hindi ata aware sa test mamaya sa EP ee. Nagre.review kasi ako, habang siya, walang tigil sa kakapindot sa phone niya.

"Jane, nakapagreview kana?" tanong ko sa kanya.

"Bakit? May exam ba?" sabi niya na hindi man lang inaalis ang tingin sa phone.

"Ahy wala. Kaya nga halos lahat kami dito nagrereview ee. Malamang may test! Lagot ka kay Mam Angeles kapag nakita ka niyang panay text lang dyan." sita ko sa kanya.

"Sows! Values lang yan no! Wag kang panic, okay? Di naman major subject yan ee." sabi niya sakin.

"Kahit na. Paano pagbagsak ka? Ang pangit naman sa card na sa Values ka pa bumagsak."

"Di tayo ibabagsak niyan. Student Librarian tayo ee. Remember?" mataray niyang sagot.

"Tayo? Hello?? Ako lang kaya. Feelingera to. Magreview kana dyan."

Umiling siya at muling nag text. Ako naman, nagreview nalang. Bahala siya kung ayaw niya. Siya naman ang lagot ee. Hindi naman ako.

"Uy Jake, tatawagan ko si Eunice. Gusto mong kausapin?" tanong niya sakin.

Napahinto ako sa pagrereview. Agad kong nilingon si Jane na may malawak na ngiti. Nang aasar naman ang mga tingin niya.

"Sige ba! Game na. Tawagan mo na founder, please?" pagsusumamo ko.

"Tse! Magreview kana dyan! May test, diba?" pang aasar niya.

Umismid nalang ako pero kinulit ko siya.

"Sige naman na oh. Kahit saglit lang. Please .." pakiusap ko.

Huminga siya ng malalim at nagdial.

Maya maya ay may kausap na siya sa phone.

"Hi Eunice. Busy ka?" tanong ni Jane kay Eunice.

"Ahh .. Ganun ba? May gusto daw kumausap sayo, kahit sandali lang." dagdag pa ni Jane.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Natataranta ako. Hindi ako mapalagay.

Inabot sakin ni Jane ang phone niya,tanda ng pagpayag ni Eunice na makausap ako.

Kinuha ko ang cellphone at nagsalita.

"H-Hello .. E-Eunice?" nauutal kong sabi.

"Hi EmoJake. Gusto mo daw akong makausap? Pakibilisan lang ha. Baka kasi makita ako ni mama may katawagan, magagalit yun ee. Iisipin, may boyfriend ako." sabi ni Eunice.

That time, na una kong narinig ang boses niya. I feel that i'm in cloud 9.

Sobrang lawak ng ngiti ko na halos ayaw ng maalis.

"Ah .. G-Ganun ba? S-Sige. Gu-Gusto ko lang .. Marinig ang .. Boses m-mo .. Curious lang .. Kasi ako ee. S-Sorry sa abala ha." nauutal talaga ako that time.

Maybe it's because of too much excitement o dahil napaka angelic ng boses niya. Her voice sounds like she's already a lady. Matured na kasi ang boses niya pero yung tipong malambing sa pandinig. And that time, i admit that i like her.

Story of Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon