Meeting my Mom

15 0 0
                                    

Jake's POV

Nag aayos na ako para maghanda. Hindi sa pagpasok sa school, kundi sa pagkikita namin ni nanay.

Nagpaalam na ako kay tita, pinayagan naman ako.

"Kuya, saan punta mo?" tanong ng nakababata kong kapatid na si Jenna.

Tatlo kaming magkakapatid. Ako ang panganay. Yung pangalawa kong kapatid, si James, nasa isa kong tita. Grade 4 na siya. Si Jenna naman ang bunso, Grade 2. Pareho kami ni Jenna na nasa pangangalaga ni tita Beth.

"Kay nanay. Sama ka?" tanong ko sa kanya.

"Nanay? Sinong nanay kuya?" nagtataka niyang tanong.

See? Hindi kilala ng kapatid ko ang nanay namin. Wala pa kasi siyang 1 yr. old ng iwan kami ng magaling kong nanay.

"Si nanay Janet. Di mo kilala?"

"Ah .. Si nanay .." sabi niya sabay yuko.

"Ayaw mo sumama?"

"Ayoko kuya. Wala na akong nanay ee." malungkot niyang sabi.

"May nanay tayo. Hindi lang nagpaka nanay." sagot ko.

"Ee ganun na din yun. Tapos sabi ni tita lagi niya daw tayong pinapalo nung mga bata pa tayo. Ayoko sa kanya kuya." sabi ni Jenna.

"Hahaha .. Ayaw mo? Ee kamukhang kamukha mo nga si nanay ee." nang aasar kong sabi.

Pero totoo naman talagang kamukha niya si nanay. Kulay lang ang minana ko sa nanay namin. Medyo maputi ako kumpara sa dalawa kong mg kapatid. But the majority said that, i'm the xerox copy of father. The way he smiles, the way he looks, and the way he acts. We both the same.

Pero nakuha ko naman ang intellegence ko sa mother side ko. Hindi ako first honor like James, pero nakakuha din ako ng mga honors like 2nd to onwards.

Si James naman, nakuha niya ang pagiging bugnutin sa nanay ko. Siya naman, kalahati. Kalahati kay tatay, kalahati kay nanay. Nakuha niya din ang talino niya sa mother side ko. Since Kinder, first honor. Kaya siya ang favorite ni tatay.

Si Jenna? Pinaka sa lahat. Pinaka bulakbol. Sabagay, lumaki siya na hindi nakakatikim ng vitamins at gatas na matino kaya hindi ata nadevelop ang neurons niya sa utak. Pero kahit ganun, baby siya ni tatay.

"Hindi no! Di ko kamukha si nanay! Si tatay ang kamukha ko!" inis niyang sagot.

Nagkibit balikat nalang ako. Mahirap makipag away sa bata ee.

Nagpaalam na ako kay tita na aalis na ako.

Papunta na ako sa sakayan ng jeep. Isang sakay lang naman ang layo ni nanay sa amin. Nagtext ko kay Eunice. Naibalita ko na sa kanya na nagparamdam na si nanay. Kaso walang response dahil walang load.

"Potch, magkikita na kami ni nanay. Kinakabahan ako." text ko sa kanya.

Nakasakay na ako ng jeep ng may biglang nagtext. Si Eunice! Masaya ako kasi nagload siya.

"Masaya ako para sayo Potch :) " reply niya.

Naikwento ko na kasi sa kanya ang buhay ko. Ang tungkol sa pamilya ko. Alam na niyang galing ako sa broken family. Lumaking walang nanay na kumakalinga.

"Buti nagload ka Potch?" taka kong tanong.

Tatlong araw palang kasi simula ng huling magload siya, dapat isang linggo ang pagitan ee.

"Gusto ko kasi palakasin ang loob mo Potch. Alam kong ngayon nalang ulit kayo magkikita ng nanay mo pagkatapos ng mahabang panahon." reply niya.

Story of Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon