Basted

30 0 0
                                    

Jake's POV

Monday Morning.

Naghahanda na ako ng mga gamit para pumasok sa school. Alas nuwebe palang naman ee. Mamaya pang alas onse ang pasok ko. Tsaka, kapitbahay ko lang ang school. Ang swerte kong estudyante no? Kaso kahit malapit lang school ko, nalilate parin ako. Bakit? Kasi nagbabantay pa ako sa tindahan ng tita ko. Tsaka ako lang nag aasikaso sa sarili ko.

Sa palengke kami nakatira, pero, kakaibang palengke yun.

Dun ka lang makakakita ng palengkeng tahimik at malinis. Maaliwalas pa ang paligid. Astig no?

Simula Grade 5, nandun na ako. May gulayan kasi doon ang tita ko. Sa palengke na yun, walang mga karne at isda kaya malinis. Puro gulay lang at mga dry goods. May parlor pa nga ee tsaka carinderia sa likod. Dun din sa palengke ako pinanganak, i mean, dun na nakatira ang mga magulang ko hanggang sa maipanganak ako, but obviously speaking, sa ospital talaga ako literal na pinanganak.

Gets you na? Hahaha!

Yun na nga. Nagplantsa na ako ng uniform. Nagluto ng almusal at tanghalian. Naglinis ng pwesto at naligo na din ako. Hinihintay ko lang si tita na matapos sa carinderia magluto. May carinderia din siya sa likuran ng palengke, todo kayod siya para mapag aral ako. Kaya ako naman, sa gulayan naka tokang magbantay.

Nagpahinga muna ako pagtapos ng lahat. Wala namang bumibili pa ee. Kaya pahinga muna ako. Para di mukhang haggard mamaya pagpasok.

Kinuha ko muna ang cellphone ko, tiningnan kung may nag Gm o Pm sakin.

Nakita kong nag Gm si Eunice! Ibig sabihin, may load siya. Makakausap ko na siya kung nakapagdecide na ba siya.

"Good morning Potch. Nakapagdecide kana ba?" bati ko sa kanya sa text.

"Hmm .. Oo Potch."

Kinabahan ako bigla. Dapat akong maging ready sa kahit ano man ang isagot niya. Kapag Oo, ee di Wow. Kapag Hindi, ee di Ouch!

"Pwede ko na bang malaman Potch?" reply ko sa kanya.

Hindi na ako mapakali. Dinadaga ang dibdib ko. Excitement at Takot. Yan ang pakiramdam ko that time.

"I'm sorry Potch ah. Ayoko ko kasing masira ulit ang tiwala ni mama ee. Nasira ko na kasi noon, nung nag Bf ako. Ayoko ng maulit yun. Pag aaral muna ang aatupagin ko. Sorry."

Matagal akong nakatulala sa reply niya na yun. Tumagos hanggang kailaliman ng puso ko ang sagot niya. Sobra akong nasaktan. Sobra kasi akong nag expect. Akala ko may chance ako, dahil kasi malambing siya sakin at sobrang bait niya. Langyang Puso 'to. Hays!!

"Potch? Okay ka lang ba? Sorry ha. Hindi ko gustong saktan ka." text niya sakin.

Hindi na kasi ako nakapagrepky after ng reply niya na basted na ako. Hindi ko alam kung magtitext pa ako sa o hindi na. Aalis na ba ako sa Clan? Siguro nga, dapat na akong umalis.

"Okay lang Potch. Naiintindihan ko."

"Sigurado ka Potch?"

"Oo naman no."

Medyo naging cold na ako sa kanya. Kailangan ko yung gawin. Wala naman ng kwenta lahat ee.

First time kong umiyak nun ng walang luha. Humihikbi ako ng walang tumutulong luha. Ayokong umiyak, ayokong magpakita ng luha. Lagi nalang ba akong iiyak? Siguro nga, walang magmamahal sakin. Ultimo magulang ko, hindi kami napagtiyagaan na mahalin, ibang tao pa kaya? Kaya dapat, di na ako magexpect sa iba ng pagmamahal. Dahil sarili ko ngang kadugo, di yun nagawa ee.

Story of Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon