'Minsan oo minsan hindi .. Minsan tama minsan mali ..
Umaabante, umaatras ..
Kilos mong namimintas ..Kung tunay nga .. Ang pag ibig mo .. Kaya mo bang isigaw? Iparating sa mundo ..
Tumingin sa akin mata .. Magtapat ng nadarama .. Di gustong ika'y mawala .. Dahil handa akong ibigin ka ..
Kung maging Tayo .. Sayo lang ang Puso ko :)
-
Ilang araw din ang lumipas pagkatapos naming magkita ni Eunice. Naging masaya naman kami. Excited na nga kaming magkita ulit. Masaya daw siya na kasama ako. Sobrang natuwa daw siya ng hinawakan ko ang braso niya sa Sta. Lucia nung muntik na siyang tumawid, kahit hindi sa kamay, masaya na daw siya. Nung niyakap ko siya sa likuran. Mas lalo daw siyang naging masaya.
I know that, little things are more overwhelming to treasure than bigger ones.
Mas naaappriciate ko ang mga mumunting bagay kesa sa mga bongga.
Ikalawang linggo na yun ng buwan ng May. Nakapag enroll na si Eunice sa 4th year. Ako naman, mas pinili muna ang vocational course kesa degree course. Hindi kasi afford ni nanay mag isa ang paaralin ako sa University. Si tatay naman, walang trabaho. Kaya mas pinili ko nalang munang magvocational.
Culinary ang kinuha ko sa vocational. Mahilig kasi akong magluto ee.
Mag isa lang ako sa tindahan. Nasa kapatid kasi niya ngayon si tita ko, kasama si Jenna. Kaya hindi ako nagbukas ng pwesto. Hindi naman ako nabobored dahil katext ko si Eunice.
Nung una, maganda ang takbo ng usapan namin. Buong araw na naman kaming magkausap at nagpapalitan ng sweet messages. Nasa MU stage na yata kami ee.
Hanggang gabi, magkatext kami. Hindi ako nagsasawa kahit siya lang ang kausap ko. Kasi naman, pagkatapos nun, isang linggo na naman siyang walang load.
Minsan, akala mo, tuloy tuloy na ang saya. Akala mo, wala ng problema. Pero kapag nga masaya ka, maya maya, may lungkot na. Maya maya, ang ngiti mo, mapapalitan ng pag iyak.
"Ang saya saya nung nagkita tayo no? Sana maulit ulit yun Potch." masaya kong text sa kanya.
"Oo nga ee. Potch .. Sa huli nating pagkikita, gusto ko sana, yun na ang huli." reply niya.
Naguluhan naman ako. Yun na ang huli? Bakit? Ayaw na ba niya akong makita?
"Huli? Bakit naman Potch?"
"Kasi nga, baka mahuli tayo ni mama. Ayoko ngang masira ulit ang tiwala niya."
Napakuyom ako ng kamao. Itinapon ko ang cellphone sa kung saan at lumabas ng palengke. Tumakbo ako ng takbo. At habang tumatakbo ako, pumapatak din ang luha ko.
Ganun nalang ba yun? Hahayaan niya akong mahalin ko siya ng sobra tapos iiwan niya din ako? Di ba nung graduation ko, nangako siya? Nangako na hindi na niya ako hahayaang mag isa? Pero bakit ilang araw palang mula ng magkita kami, bakit ganito na agad? Bakit iiwan na niya ako?? BAKIT??
Hindi ko alam kung saan ako nakarating. Basta hinayaan ko nalang mapagod ang mga paa ko sa kakatakbo. Hindi na ako halos makahinga. Pero pinipilit ko paring huminga. Pinipilit ko paring pagurin ang sarili ko. Hanggang sa kusa nalang huminto ang mga paa ko. Gustuhin ko man na tumakbo pa, ayaw na talaga. Napaluhod nalang ako at napayuko. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Pinaglalaruan niya lang yata ako.
Hingal na hingal ako. Bakit ang paa ko, huminto nung napagod? Bakit ang puso ko, hindi? Sana huminto na rin siya sa pagtibok.
Nang humupa na ang galit at sama ng loob ko, bumalik na ako sa palengke. Hinanap ko ang cellphone ko. Madami ng texts si Eunice. May nag aalala at may nagpapaliwanag na text. Pero isa man sa mga yun, wala akong maintindihan.
BINABASA MO ANG
Story of Our Love
RomanceMahirap kalimutan yung taong dahilan ng lahat ng bagay sayo. Mahirap balewalain yung taong halos mas mahalaga pa sa buhay mo. Mahirap magsimula ng bagong buhay lalo na kung naka settle kana sa mga pangarap niyo, and yet, mawawalang saysay din pala. ...