Jake's POV
Maaga akong pumasok sa school. Graduation na kasi mamayang hapon. Kukunin ko na yung toga ko sa room.
"Good Morning Potch. Kain kana ng breakfast pag gising ha. Papasok na ako sa school. Kukuha ng toga." text ko kay Eunice.
Wala na silang pasok ee. April 2 na yun. Na late kami ng graduation kumpara sa ibang school dahil madaming inasikaso lalo na dun sa National Achievement Test. Hindi na nga kami nakapag Periodical ee. Binase nalang yung Periodical Test namin sa result ng NAT. Sobrang kulang na kasi talaga sa oras.
Noon kasi, 2nd ang nagtitake nun. Nagtake na kami nun noong 2nd year. Damin NCAE (National Career Assessment Examination) ang ititest naming mga 4th year. Kaso iniba ng DepEd. Parusa na nga sa amin noong 2nd year ang NAT ee. Inulit pa yung paghihirap namin. Haaaay. Buhay estudyante nga naman.
Nakarating na ako sa school. Lahat na ng mga classmate ko nandun na. Wala pa naman si mam Suanco.
Tinabihan ko na si Jane na busy parin sa kakatext. Wagas talaga 'to ee. Hindi yata napapagod ang kamay sa kakatext.
"Hoy Jane, gagraduate na tayo mamaya, ikaw ba? Kelan ka gagraduate sa kakatext diyan?" tanong ko kay Jane na sobrang busy magtext.
Nilingon niya ako at binelatan. Muli siyang bumalik sa ginagawa. Napailing nalang ako. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at tiningnan ko kung may nagtext na ba. Wala pang nagtitext. Haaaay ..
Alas onse na pero tulog parin si Eunice. Miss ko na siya ee. Pero naisip ko, ngayon lang naman siya bumabawi ng tulog. Hindi naman kasi siya nakakapagpahinga kapag may pasok. Tsaka 2 buwan lang ang bakasyon nila, tapos pasukan na.
"Tulog parin ang prinsesa ko? Bumabawi ng tulog ee. Sleep ka lang ha. Para makabawi ng tulog. I love you." text ko kay Eunice.
Tinitext ko siya kahit tulog pa siya. Ugali ko talaga yun para maganda ang gising niya kapag nababasa niya ang mga lambing ko.
Ilang minuto pa, dumating na si mam Suanco. May mga kasama siyang lalaki na may bitbit na malalaking plastic at ibinaba sa loob ng room.
"Class .. Nandito na ang mga toga niyo. Pumili na kayo dito ng mga kakasya sa inyo. Dapat yung sakto lang at hindi masyadong maikli." sabi ni mam Suanco.
Nagpuntahan na kami sa harap. Alphabetically arrange ang pila. Pang lima ako sa hilera.
Medium size ang pinili ko. Saktong sakto lang kasi sa akin ng tingnan ko. Kumpara sa Large na nagmumukha akong Hiphop.
"Anong size ang pinili mo Jake?" usisa ni Jane habag tinitingnan ang pinili niyang toga.
"Medium lang ako. Ikaw? Anong pinili mo?"
"Small lang. Medium din sana ee, kaso magmumukha akong madre." natatawang sabi ni Jane.
"Tss. Madre? Hindi ka pwedeng magmukhang madre no." sabi ko na may mapang asar na ngiti.
Kumunot naman ang noo ni Jane sa sinabi ko at nameywang. Umuusok na naman ang ilong ng matandang menopause. Hahaha!
"At bakit naman aber??" mataray niyang tanong.
"Kasi, palalayasin ka sa kumbento! Mga madre kasi, mahinhin, walang madreng siga no!" natatawa kong sabi.
Kinurot niya ang braso ko at pinaghahampas ako. Totoo naman ee. Mukha siyang naghahanap lagi ng away kapag naglalakad.
"Manahimik ka na nga lang Jake kung wala kang magandang sasabihin, pwede ba yun?" naiinis na sabi ni Jane.
Nagkibit balikat nalang ako at inatupag ang pagtutupi sa toga ko.
BINABASA MO ANG
Story of Our Love
RomanceMahirap kalimutan yung taong dahilan ng lahat ng bagay sayo. Mahirap balewalain yung taong halos mas mahalaga pa sa buhay mo. Mahirap magsimula ng bagong buhay lalo na kung naka settle kana sa mga pangarap niyo, and yet, mawawalang saysay din pala. ...