Jake's POV
Matapos ang break up namin ni Mil, nagQuit na siya sa clan. Naka block na din ako sa Fb account niya.
Nagalit talaga siya sa akin.
Pero di ko siya masisi, kasalanan ko naman ee. Pero alam ko, balang araw, maiintindihan niya din ako at mapapatawad.
Kami naman ni Eunice, umalis na din sa clan. Nagsolo na kami para maligawan ko siya ng walang sagabal.
Araw araw lang kami nagpapalitan ng text messages. Pero gaya parin ng dati, once a week lang siya magload. Kaya sobra ko siyang namimiss kapag wala siyang load.
Gaya noong nakaraan. Hindi ako makatulog at hindi makakain. Nag aantay ako ng text niya. Kaso wala. Ewan ko kung seryoso ba siya sa akin o naaawa lang. Naiintindihan ko naman na hindi siya pwedeng magload araw araw kasi baka makahalata ang mama niya.
Kahit wala siyang load, nagtitext parin ako sa kanya. Gusto kong iparamdam ang sincerity ko sa kanya. Baka sakaling maaappriciate niya at matutunan niya na din akong mahalin.
Malapit na ang graduation namin, medyo busy na kami sa school ng kakapractice.
Pauwi na kami noon ni Jane ng yayain niya akong pumunta muna sa bahay nila. May ipapakilala daw siyang kaibigan.
Meron pala siyang kaibigan? Himala naman yun. Akala ko ako lang ang nakapagtitiyaga sa kanya. Sumama nalang ako, maaga naman ang uwian namin ee.
Medyo malayo ng konti ang bahay nila. Pero mabilis naman kaming nakaratinh dahil may shortcut.
First time kong makarating sa kanila. Di naman kasi ako mahilig pumunta sa mga bahay ng classmate ko. Gala ako pero di ko trip mangapitbahay. Hahaha!
Eskinita ng loob ng bahay nila. Parang tabayan ng mga adik ee. Umakyat kami sa ikalawang palapag. Tapos may kinatok siyang isang pinto. Ilang sandali lang, may lumabas na isang babae na halos kasing tangkad ko lang. Maputi at chinita.
Takte naman tong si Jane. Alam naman niyanh weakness ko ang mga chinita ee. Tsk
"Jake, si Shay nga pala. Shay, si Jake. Kaklase ko." pakilala ni Jane.
"Hi Jake. Lagi ka sa akin naikukwento ni Jane." bati ni Shay sabay lahad ng kamay.
"Hi Shay. Nice meeting you. Ah talaga? Hindi ka niya nababanggit sa akin ee." bati ko kay Shay sabay abot ng kamay niya at nagshake hands.
Ang lambot ng kamay niya. Nawawala ang mata niya pagngumingiti. May dimples pa siya. Naknang!
Ano ba Jake? Seryoso ka kay Eunice diba?? Magtigil ka! Wag ka ng tumingin sa iba.
Naguguluhan ako. Hays! Ganito talaga siguro kapag hindi kayo laging magkausap ng mahal mo. May mga tukso talaga sa paligid.
"Oh? Hindi ako nababanggit sayo ni Jane? Hala! Bestfriend mo ako tapos ganyan ka?!" baling ni Shay kay Jane tapos pinaghahampas niya si Jane sa braso.
"Ee busy kasi ako Shay. Kaya di kita nababanggit." paliwanag ni Jane.
"Ee bakit siya? Nababanggit mo? Crush mo no? Uyy!" panunudyo ni Shay kay Jane.
"Hindi no! May Eunice na yan no!" depensa ni Jane sabay irap sa akin.
Nagtawanan lang kami ni Shay. Pinapasok niya kami sa kwarto nila. Medyo maliit lang ang space. May double deck na kama. Tatlo daw silang natutulog dun. Hindi ko maisip kung paano sila nagkasya dun.
Nagkakwentuhan kami konti at di ko namalayan ang oras.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, 5:30 pm na pala!
Lagot ako sa tita ko kapag di pa ako umuwi, remember? Kapitbahay ko lang ang school, kaya magtataka yun kapag late pa akong makakauwi.Tsk
"Uhm .. Shay, Jane, magpapaalam na sana ako na uuwi. Baka mapagalitan ako ng tita ko ee." paalam ko sa kanilang dalawa.
"Ah sige Jake. Pagabi na rin ee. Ingat ka." sabi ni Jane.
"Hatid na kita Jake." nakangiting sabi ki Shay.
Yung mata talaga niya, nawawala kapag ngumingiti siya. Ang sarap naman niyang pangitiin. Hahaha!
"Sure ka, Shay?" nagtataka kong tanong.
"Oo naman. Gusto pa kitang makabonding ee." naka smile parin siya.
Nananadya ata to ee. Feel na feel ngumiti?
Hala sige tawa pa ng tawa, ako pa ba ay nakikita? Oh Chinita! Hahaha! Shh! Lagot ako kay Eunice! Hays!"So, let's go??" yaya ko sa kanya.
"Let's go!" nakangiting sagot ni Shay sabay kawit ng kamay niya sa braso ko.
"Hoy! Sama ako! Ano yun? Kayo lang??" sabi ni Jane at kumawit na rin sa kabil kong braso.
Ako nagtataka na kay Jane. Nagagalit, nagsusungit kapag may iba akong kinakausap. Selos ba siya? Assuming naman ako.Tsk
"Maiwan ka nalang Jane. Para naman mas makilala ko si Shay." bulong ko kay Jane.
"Manahimik ka Jake. Alam mo bang Taek Wondo black belter yang si Shay? Kapag may ginawa kang masama, sa ospital ang bagsak mo." bulong din ni Jane.
Napalunok ako bigla sa sinabi niya. Wala sa katawan ni Shay na marunong siya mag Taek Wondo.
Napansin yata ni Shay na nagbubulungan kami ni Jane kaya hinatak niya na niya ako palabas ng compound nila. Nakakawit parin ang kamay niya sa braso ko. Pinagpapawisan ako. Wala pa kasing babae ang nakakakawit sa braso ko maliban sa bestfriend ko. Wala pa nga akong nakaHolding hands ee. I may sounds stupid but, it's true. Ganun ako ka mangmang sa mga affections.
Nagkukwentuhan kami ni Shay habang nasa daan. Out of place naman si Jane. Sasama sama pa kasi, ayan tuloy. Nakarating na kami sa harap ng palengke. Hanggang doon lang nila ako hinatid. Gabi na rin kasi.
"Salamat sa paghatid, Chums ha." sabi ko kay Shay.
Call sign na namin ni Shay ang dating call sign namin ni Mil. Ang ibig sabihin kasi ng Chum ay Friend, kaya ayun ang naisip ko.
"Wala yun Chums. Kapag wala kang pasok, dalaw ka sa bahay ha." nakangit niyang sabi.
"Oo ba. Basta ikaw." sabi ko sabay kindat.
Natawa naman si Shay sa sinabi ko. Umirap naman si Jane. Kontrabida talaga yung babaeng yun.
"Sige Chums ha. Alis na kami ni Jane. Bye." sabi niya sabay halik sa pisngi ko.
"B-Bye .. I-Ingat ka-kayo." nauutal kong sabi.
Natatawa naman si Shay sa reaksyon ko. Bebeso sana si Jane pero hinarangan ko ng kamao ko kaya umirap nalang siya at naglakad na paalis kasama si Shay.
Hawak ko ang pisngi na hinalikan ni Shay. Baliw na yata ako ee.
Mali to! Maling mali! Jake gumising ka! Hindi tama yan. Hindi! Maging matatag ka sa mga ganyang bagay. Hindi ka dapat makaramdam ng kung ano. Kay Eunice ka lang magfocus. Mukha ngang malabo kayo, pero hindi parin yun excuse para maattract ka sa iba!
Saway ko sa sarili ko. Lagi akong tinatama ng Puso ko kapag may mga ganung sitwasyon. Kapag nagiging Tanga ang utak ko. Kapag nadadala ako sa mga maling bagay. Sinasaway ako ng Puso ko.
Napailing nalang ako na pumasok sa bahay namin. Sumasakit ang ulo ko sa mga naiisip ko.
--
Madali talagang lumapit ang tukso kapag malungkot ka. Pero naisip ko that time na, dapat kong labanan ang mga ganung bagay :)Please don't forget to Vote ang leave some comments :)
#TorpengPogi X(
BINABASA MO ANG
Story of Our Love
RomanceMahirap kalimutan yung taong dahilan ng lahat ng bagay sayo. Mahirap balewalain yung taong halos mas mahalaga pa sa buhay mo. Mahirap magsimula ng bagong buhay lalo na kung naka settle kana sa mga pangarap niyo, and yet, mawawalang saysay din pala. ...