First Meet Up

28 0 0
                                    


'I, remember so well .. The day that you came .. Into my life .. You ask by my name .. You have the most beautiful smile .. My life started to change .. While wake up each day, feeling alright .. You right by my side makes me feel things, will work out just fine ..

How did you know? I needed someone like you in my life .. That there was an empty space in my heart ..
You came up the right time in my life ..

I never forget how you brought the sun to shine in my life .. And take all the worries and fears that i have ..

You know what i'm really trying to say ..
It's not everyday that's someone like you comes my way .. No words can express how much .. I LOVE YOU :)

-

May 2 , 2012

One month after the graduation ..

I still remeber the exact date of the most memorable day of my life.

Galing kami ng isa kong kaibigan na si Charles sa isang University sa Manila that time. Maaga pa yun. Nag iinquire kasi kami para makapagtest ng entrance exam. Pero bago pa kami mag inquire, napag usapan na namin ni Eunice na magkita na that day.

"Potch .. Kita tayo." text ko kay Eunice a day before the meeting day.

"Huh? Sige. Saan naman Potch?"

"Hanggang saan ka ba pwede? Di ba bawal ka ng malayo?"

"Oo Potch ee. Sa may St. Lucia tayo kita."

"Saan banda yun?"

"Medyo malapit lang sa amin yun. Dalawang sakay lang."

Kahit hindi ko alam, pumayag nalang ako. No choice ee. Gusto ko na siyang makita. This is it!

"Sige Potch. Ako ng bahala. Ipagtatanong ko nalang kung paano pumunta dun."

"Sige Potch. Nakakaexcite!"

"Hahaha! Oo nga ee. Naiexcite na din ako. Finally, magkikita na tayo." masaya kong sabi.

Pagkagaling namin sa University na pinuntahan namin, nagdecide muna ako na umuwi para makapagbihis. Nakakahiya naman kung amoy pawis akong makikipagkita kay Eunice. Dapat presentable akong haharap sa kanya.

"Uwi muna tayo Charles ha. Magpapaturo ako kay kuya Frank kung paano pumunta sa St. Lucia." sabi ko kay Charles.

"Sige Jake. Miss ko na din tita mo ee. Tagal na kaming hindi nakakapagbonding ng tita mo." masayang sabi ni Charles.

"Kayo na close ni tita. Kaso wag ka lang madaldal, naiinis yun kapag napapasobra ka ee. Para ka kasing pinaglihi sa pwet ng manok." natatawa kong sabi.

"Masarap kasi kausap ang tita mo Jake. Tsaka makwento din naman siya ee. Kaya napapakwento din ako."

Madaldal kasi si Charles. Madalas, naiinis si tita sa kadaldalan niya. Walang preno kung magkwento. Maingay pa ang magsalita. Parang may megaphone na nalunok. Hahaha!

Nang makauwi na ako, kumain muna kami ni Charles sa carinderia namin. Matakaw din 'tong si Charles kaya medyo malusog ang katawan.

Nagbihis din ako kaagad pagkatapos kumain at nag ayos ng sarili. Sa kamamadali ko, naiwanan ko pala ang salamin ko. Malabo na kasi ang mata ko. Nearsighted lang ako. Si nanay ang bumili ng eyeglass ko bago maggraduation.

Pinuntahan ko muna si kuya Frank para makapagtanong ng daan. Siya lang ang nakakaalam at si Charles ang tungkol kay Eunice.

"Paano ba pumunta sa Sta. Lucia kuya Frank?" tanong ko sa kanya habang busy siya sa pagbabasa ng diyaryo.

Story of Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon