It's Complicated

16 0 0
                                    

Jake's POV

Katatapos lang namin mag class picture at pati yung graduation pic.

Nakakalungkot naman. Malapit na kaming umalis sa school na to.

Malapit ng mawalan ng sakit ng ulo ang adviser ko. Ang babait kasi namin ee. Sobrang bait ng mga classmates ko, muntik ng burahin ang section namin at ipakalat nalang kami sa iba't ibang room. Isang linggong naka leave ang TLE teacher namin dahil inatake sa kabaitan namin at nagpapagaling pa sa ospital. Dahil sa bukod tangi ang kabutihan namin, tambay lagi ang adviser namin sa Principal's Office dahil laging may reklamo ang kung sinu sino tungkol sa amin.

At ang pinaka malupit?

Dahil sa huwaran kaming mga mag aaral, sa loob ng isang linggo, dalawang araw lang ang regular class ng 4th year, at tatlong araw angvhalf day.

Bakit?

Kasi nagmimeeting silang lahat na mga teacher para malaman kung pagga.graduweytin ba kami o hindi.

Ang bait talaga namin no? SUPER.

Alas dose na ng tanghali ng matapos ang mga kuhaan ng mga pictures. Nagugutom na ako. Hinahanap ko si Jane para may kasama akong kumain. Nagsi.selfie pala sa likod ng stage. Haaaay .. Sumabog sana yung cellphone niya sa dami ng pictures niya. Hahaha! Ang drastic ee no?

"Jane! Kain na tayo! Gutom na ako ee." tawag ko kay Jane.

"Maya na. Nagpi.picture pa ako dito ee!" sagot niya habang tinutuloy ang pagpu.pose.

Ano byan! Bahala siya. Basta ako, gutom na. Kakain na ako. Kaya mag isa nalang akong pumunta sa canteen.

Biglang tumunog ang phone ko, tanda na may nagtext.

Akala ko si Mil, si Eunice pala.

"Kumain kana Potch?" text niya.

"Kakain palang. Papunta na nga akong canteen ee."

"Ah .. Nagkakatext pa ba kayo ni Mil?"

Aba malamang! Alangan naman hindi. Pano matatawag na relasyon yun kung di nagkakausap? Malamang may pakay na naman tong si Eunice.

"Oo naman Potch. Bakit?"

"Mahal mo siya?"

Natigilan ako sa tanong niya. Dalawang linggo na nga pala kami ni Mil. Natutunan ko na ba siyang mahalin?

"Ewan ko. Bakit ba Potch?"

"Mahal mo ba ako?"

Tanong ko, tanong din siya. Paano kaya kami magkakaintindihan diba? Ang unstable talaga niya no? Haaays!

"Oo. Medyo. Bakit ba kasi?"

"Kaya mo siyang iwan para sakin?"

Tanong na naman! Pwede paki sagot mo muna ang tanong ko, hija??

"Depende Potch. Pag iniwan ko ba siya, bibigyan mo ba ako ng chance?"

"Depende. Kung mapapatunayan mo talaga na mahal mo ako."

Paano yan? Kapag iniwan ko si Mil, tapos wala naman nangyari sa amin ni Eunice? Ah basta! Paano ko ba malalaman kung hindi ko susubukan? Bahala na si Darna.

"Ee di sige. Papatunayan ko sayo. Sana lang, may patunguhan ang gagawin ko."

"Iiwan mo siya?"

"Oo. Kung yun lang ang patunay na gusto mo."

"Syempre hindi lang yun. Dapat iparamdam mo rin."

"Kaya nga. Hindi ako nakikipagdeal na kapag iniwan ko siya, required na na dapat may chance ako, nasa iyo parin yun kung bibigyan mo ako."

"Sige Potch. Titingnan ko."

Nakabili na ako ng pagkain ng mawalan ako ng gana.

Paano ako makikipaghiwalay kay Mil? Ayoko siyang saktan ee. Naging mabuti siya sakin. Naging maalaga. Tapos sasaktan ko lang siya? Ang unfair ko naman. Haaay .. Pero naisip ko, mas unfair kung patatagalin ko pa. Alam ko naman sa sarili ko na, hindi ko siya mahal. Mas masasaktan lang siya kapag pinatagal ko pa.

Pinilit ko nalang kumain. Sayang din naman yung binili ko. Pagkatapos kong kumain, pumunta na ako sa room. Naabutan ko si Jane na nakabusangot.

"Anong problema mo?" tanong ko sa kanya ng umupo na ako sa tabi niya.

"Wala! Paano ka nakakakain ha? Di ka nagyayaya!" inis na sabi niya sakin.

Sampokin ko kaya to? Kanina nagyaya ako, puro selfie inatupag. Tapos ako pa sisisihin?? Aba matindi!

"Hoy! Niyaya kita Jane! Puro ka selfie ee. Gutom na ako kaya nauna na ako!"

"Kahit na ba! Dapat pinilit mo ako!"

"Sipain kita ee! Ano ka, chix? Pa yummy? Sorry, di ka yummy!" natatawa kong sabi kay Jane.

Punaghahampas niya lang ako tapos inirapan.

Kalahating baliw talaga to ee.

Hindi parin maalis sa isip ko ang sinabi sakin ni Eunice kanina. Patunayan ko na mahal ko siya? Hindi ko yata kayang saktan si Mil. Haaaay!

Nalilito na ako ee!

Pero dapat akong magtake ng risk. Kung balang araw, magiging masaya naman ako, bakit hindi? At kung makakasama mo ko din ang mahal ko. Gagawin ko na ang lahat kahit pa makasakit ako ng iba.

Basta mamaya, makikipaghiwalay na ako kay Mil.

--

Selfish ako that time :/
Hindi ko na alam ang gagawin. Ang alam ko lang, dapat akong sumugal. Sa taong mahal ako, o sa taong mahal ko?

Please don't forget to Vote and leave some comments :)

#TorpengPogi X(

Story of Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon