Jake's POV
Nagtagal ang relasyon namin ni Shantal ng isang linggo. Nagkahiwalay kami ng naging demanding siya.
"Kelan mo ba iiwan si Mil?" text niya sakin.
"Hindi ko alam ee. Bakit ba?"
"Ayoko na ng may kahati sayo. Gusto ko ako lang."
Wow? Siya nga yung umextra ee. Ayokong iwan si Mil dahil ramdam ko naman na mahal niya ako. Malambing siya at maalalahanin. Kaya bakit ko siya ipagpapalit sa spoiled brat na si Shantal?
"Talaga? Ee di maghiwalay na tayo. Ayokong iwan si Mil. Mabait siya sakin. Naaappriciate ko ang mga ginagawa niya. Di gaya mo, puro demand lang." naiinis kong sabi.
"So ngayon itatapon mo na ako? Grabe ka din no?"
"Hindi naman kita pilit ah. Nagkusa ka, remember? Kaya tinatapos ko na to. Masasaktan lang si Mil."
"Sige! Bahala ka!"
Yun na ang naging huling pag uusap namin ni Shantal. Nalaman ko nalang na umalis na siya sa clan.
"Jake, bakit umalis yun si Shantal?" tanong ni Jane habang nagbabasa kami sa library.
Nagkibit balikat lang ako at ipinagpatuloy ang pagbabasa.
"Sabi niya, niloko mo daw siya?" dagdag ni Jane.
Nangunot naman ang noo ko sa narinig? Ako pa talaga??
Ee siya namilit na sumapaw sa relasyon namin ni Mil ee. Ibang klase talaga siya.
"Niloko? Ganyan talaga mga pananaw ng mga kabit." natatawa ko nalang na sabi.
"Kabit? Ikaw kasi. Pinagsabay mo sila ni Mil."
"Hindi naman mangyayari yun ee. Kaso nag volunteer siya. Alangan naman tangggihan ko? Naniniwala akong, the more, the merrier. Hahaha!" tumawa nalang ako kahit naiinis.
"Yabang mo! Ikaw na gwapo!"
"Thank you!" sabi ko sabay kindat.
Umirap nalang si Jane at nagbasa nalang ulit.
Ugali ko talaga magyabang kapag naiinis. Para man lang mabawasan ang gigil na nararamdaman ko, baka kasi masapak ko pa si Jane na usisa ng usisa sa buhay ko. Hahaha! Joke!
Pagkatapos namin sa library, pumunta na kaming canteen ni Jane. Sarap ng buhay namin kapag naka assign kami bilang Student Librarian. Kain at Basa lang sa library. Wala namang ibang gagawin ee. Magbabantay lang ng mga papasok ng library. Yun lang.
Kaya habang ginagawa yun, kakain muna kami. Bait no?
Nagtext naman si Eunice sakin.
Kainis naman to ee. Paano ba ako makakamove on? Text siya ng text? Hays!
"Ano gawa mo Potch?" text ni Eunice.
Di ko na sana papansinin ee. Kaso, di ko siya matiis. Langyang kamay to, nagreply din! Ipaputol kita ee.Tsk
"Papuntang canteen Potch. Bogchi muna kami ni Jane habang nagbabantay sa library. Ikaw?"
"Ah .. Ang aga ng recess niyo ah?"
"Oras oras naman ang recess namin ee. Hahaha!"
"Ee di kayo na! Hahaha!"
"Ikaw ba? Akala ko, bawal magtext sa school niyo?"
Strikto kasi sa school nila. Hindi allowed ang mga student na gumamit ng cellphone lalo na sa loob ng room. Alam na alam ko no? Usisero ako ee. Kay Eunice lang, syempre.
BINABASA MO ANG
Story of Our Love
RomanceMahirap kalimutan yung taong dahilan ng lahat ng bagay sayo. Mahirap balewalain yung taong halos mas mahalaga pa sa buhay mo. Mahirap magsimula ng bagong buhay lalo na kung naka settle kana sa mga pangarap niyo, and yet, mawawalang saysay din pala. ...